A lookback: Celebrities who tangle with BIR

IMAGE Noel Orsal / You Tube

Huge names in showbiz have been targeted by the Bureau of Internal Revenue since the launch in mid-2000 of its program to go after tax evaders aggressively. Among these stars are (L-R) Regine Velasquez, Richard Gomez, Judy Ann Santos, and Richard Gutierrez. 


Malalaking artista at personalidad ang hinabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula noong kalagitnaan ng dekada 2000 dahil sa hinihinalang tax evasion, o hindi tamang pagdedeklara ng income tax returns.

Sa pinaigting na Run After Tax Evaders (RATE) program ng BIR, naging masigasig ang ahensiya sa paghabol sa hinihinalang tax evaders, partikular ang mga self-employed at professional individuals.

Ilan sa mga artistang hinabol ng BIR at inireklamo ng tax evasion ay sina Senator Manny Pacquiao, Judy Ann Santos, Richard Gomez, Regine Velasquez, Richard Gutierrez, Zoren Legaspi, Solenn Heussaff, Ryan Bang, at Daiana Menezes.


JUDY ANN SANTOS

Naging mahaba ang laban ni Judy Ann Santos dahil sa reklamong isinampa sa kanya ng BIR noong 2005.

Sinampahan siya ng reklamo ng BIR dahil sa diumano’y hindi tamang pagdedeklara ng annual income tax return para sa kanyang mga kinita noong 2002.

Idineklara lamang daw ng aktres ang PHP8.033 million income bilang talent fee mula sa ABS-CBN, pero hindi kasama ang kanyang mga kinita mula sa pelikula at endorsements. 

Ayon sa isang report, may PHP1.7 million tax liability ang aktres.

Noong 2005 din ay nag-isyu ang Court of Tax Appeals (CTA) ng arrest warrant laban sa aktres.

Ito ang nagbunsod kay Judy Ann na magsumite, noong Pebrero 2006, ng motion for extension of time to file petition for review upang pasinungalingan ang impormasyon laban sa kanya

Subalit ibinasura ng CTA First Division noong May 2006 ang mosyon ni Judy Ann, kaya’t itinakda ang kanyang arraignment.

Hunyo 2006 nang magsumite ng petisyon ang aktres na i-dismiss ang tax evasion case laban sa kanya, subalit ibinasura ito ng Supreme Court noong Agosto 2008.

Naabsuwelto si Judy Ann sa charge na tax evasion noong Enero 2013 bunsod ng desisyon ng CTA third division.

Ayon sa desisyon ng CTA, “underdeclared” lamang ang income ng aktres.

Iniutos na lamang ng CTA na magbayad si Judy Ann ng mahigit PHP3.4 million para sa income tax deficiency at karagdagang 20 percent interest para sa bawat taon bilang penalty at delinquency interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinaluwag naman ng dibdib ng aktres ang balitang ito.

Pahayag ni Judy Ann sa ABS-CBN News, “I can finally move on with my life. It’s an answered prayer.

“First of all, nabigyan ko ng peace of mind ang nanay ko.”

Dagdag niya, “Wala naman po akong planong takasan ang kahit anong gustong pabayaran sa akin.

“Wala pong kasing katapat na presyo yung peace of mind, yung katahimikan ko at ng pamilya ko.”


Stories We Are Tracking

Judy Ann Santos cleared of tax evasion
Judy Ann Santos cleared of tax evasion
Judy Ann Santos prays seven-year tax evasion case be resolved soon
Judy Ann Santos prays seven-year tax evasion case be resolved soon
Judy Ann Santos expecting the worst in her tax evasion case
Judy Ann Santos expecting the worst in her tax evasion case
Judy Ann Santos pumayat dahil sa problema sa BIR
Judy Ann Santos pumayat dahil sa problema sa BIR

 


REGINE VELASQUEZ

Abril 2005 ay kinasuhan ng BIR si Regine Velasquez dahil diumano sa hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Ayon sa ahensiya, hindi raw idineklara ng singer ang PHP3.75 million na kita nito bilang endorser ng isang malaking food and beverage company.

Inakusahan din si Regine ng pamemeke ng kanyang income tax return noong 2003.

Nabatid na nagsusumite ng income tax returns ang Asia's Songbird mula 2000 hanggang 2002 sa kanyang bayan sa Bulacan.

Pero walang nakitang record ng kanyang pagbabayad ng buwis para sa taong 2003.

February 2006, naabsuwelto ang singer dahil sa umano’y pagiging premature ng kaso.

Sa resolusyong inilabas ni State Prosecutor Roseann Balauag, sinabi nitong hindi napagkalooban ng due process si Regine kaya’t maituturing itong premature.

Ayon sa DOJ, dapat ay binigyan ng BIR si Regine ng pagkakataong makapagbigay ng paliwanag o mailahad ang kanyang panig.

Kalagitnaan ng 2005, nadiskubre ng DOJ na kulang ng PHP7.5 million ang ibinayad na buwis ng singer, pero nangako si Regine na aayusin niya ito at babayaran.

 


RICHARD GOMEZ

Taong 2005 ay kinasuhan ng BIR si Richard Gomez ng tax evasion dahil sa diumano’y hindi nito pagbabayad ng buwis mula 2000 hanggang 2003.

Ayon sa datos ng ahensiya, hindi raw idineklara ni Richard ang kanyang estimated earnings na PHP1.8 million bilang talent ng ABS-CBN noong 2001.

Hindi rin daw idineklara ni Richard ang kanyang earning na PHP1.02 million noong 2002 at PHP166,000 noong 2003.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview noong Marso 2011, sinabi ng aktor na nakapag-file siya ng tax amnesty sa BIR noong 2010.

“When the BIR filed a case against me for tax evasion, at the same time nagbigay din sila ng amnesty and I was able to avail of that tax amnesty.

“So with that, sana makita ng DOJ na grinant ako ng BIR.

“Sana makita nila 'yung merits ng case and sana nga matapos na kaagad,” ani Richard sa ulat ng ABS-CBN News.

Naging positibo rin si Richard sa kabila ng pagsubok na ito.

"Alam n'yo, lahat ng mga problema, may solusyon 'yan. We just have to solve it a day at a time,” aniya sa isang hiwalay na interview.


Stories We Are Tracking

Richard Gomez faces tax evasion charges by DOJ and BIR
Richard Gomez faces tax evasion charges by DOJ and BIR
Richard Gomez filed for amnesty in his tax evasion case; this has already been approved and granted
Richard Gomez filed for amnesty in his tax evasion case; this has already been approved and granted


RICHARD GUTIERREZ

Abril 2017 nang kasuhan si Richard Gutierrez ng tax evasion ng BIR.

Ayon sa government agency, nabigo ang aktor at ang kanyang production company, ang R Gutz Production Corp., na magbayad ng PHP38.57 million halaga ng buwis noong 2012.

Kabilang din daw sa nabanggit na halaga ang “surcharges and value added tax.”

Hulyo 13, 2017 nang humiling si Richard na ibasura ng Department of Justice ang tax evasion case sa kanya ng BIR.

Sa araw ring iyon ay pormal na nagsumite si Richard ng kanyang counter-affidavit sa DOJ.  

Itinanggi ni Richard na hindi niya nabayaran ang kabuuang halaga na PHP38.57 million.

Kalakip ng affidavit ang patunay at kompyutasyon ng pagbabayad ni Richard ng kanyang buwis, ayon sa kanyang legal counsel na si Attorney Marie Abrahan-Garduque.

Pagdating ng Agosto 17, 2017, sinampahan ng patung-patong na reklamo ng BIR ang aktor dahil sa diumano’y pamemeke ng mga dokumento, kabilang na ang kanyang Annual Income Tax Returns (ITR) at Value Added Tax (VAT) documents.

Ayon sa BIR, “forged” umano ang pirma ni Renato Agana—ang nakatalagang receiving officer sa BIR Revenue District Office sa San Juan City—sa mga isinumiteng papeles ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging ang "rubber stamp marks” ng BIR sa mga dokumento ng aktor ay peke rin daw.

Pagkalipas ng isang araw, August 18, kinontra ng kampo ni Richard ang alegasyon ng BIR na peke umano ang mga dokumentong isinumite ng aktor.

Ayon kay Attorney Abraham-Garduque, hindi totoo ang alegasyong pineke ni Richard ang kanyang ITR at VAT returns upang ma-dismiss ang tax evasion case laban sa kanya.

Depensa ng abogado, “No, that is impossible because those documents are already existing way back 2012 and 2013 in the case of the ITR!”

Humingi ng update ang PEP.ph kay Atty. Abrahan-Garduque at ipinaabot niyang wala pang resolusyon ang kaso ni Richard.


Stories We Are Tracking

Richard Gutierrez denies falsification, perjury raps by BIR
Richard Gutierrez denies falsification, perjury raps by BIR
Richard Gutierrez charged with multiple complaints by BIR
Richard Gutierrez charged with multiple complaints by BIR
Richard Gutierrez seeks dismissal of P38M tax evasion case
Richard Gutierrez seeks dismissal of P38M tax evasion case
Richard Gutierrez faces tax evasion charges
Richard Gutierrez faces tax evasion charges


MANNY PACQUIAO

Naging bittersweet ang pagkapanalo ni boxing champ Manny Pacquiao laban sa American boxer na si Brandon Rios noong Nobyembre 24, 2013 dahil pagbalik ng Pilipinas ng Pambansang Kamao, problemang legal na may kinalaman sa buwis ang sumalubong sa kanya.

Bago pa mangyari ang laban ni Manny kay Rios ay ipinag-utos na ng CTA na i-freeze ang bank deposits ni Manny dahil sa PHP2.2-billion tax case laban sa kanya.

Taong 2011 nang sampahan ng kaso ng BIR ang boksingero.

Kaugnay ito ng diumano’y hindi pagdedeklara ng boxer ng kanyang ITR mula sa nakolekta ng US Internal Revenue Service (IRS) para sa mga napanalunan niya mula 2008 to 2009 at kinabibilangan ng apat na laban ni Pacquiao na kanyang pinanalo.

Umaabot sa $28 million ang napanalunan ni Manny sa mga labang ito.

Iginiit ng BIR, bilang isang Pilipino, kinailangan pa ring ideklara ni Manny ang kanyang ITR kabilang ang mga kinita sa labas ng bansa.

Depensa ni Manny, hindi na niya isinama sa ITR ang mga remittance galing sa IRS dahil sa bilateral tax treaty ng Manila at Washington, kung saan may kasunduang ang income tax na binayaran ng isang Pilipino ay maaaring ma-credit sa kanyang income tax liabilities sa sariling bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agosto 20, 2014, nag-isyu ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order o TRO sa BIR hinggil sa kaso nito laban kay Pacquiao, na kinasasangkutan ng PHP2.2-billion worth of taxes pero lumaki ito sa PHP3.29 billion dahil sa surcharges at penalties.

Nag-isyu rin ang Supreme Court Third Division na huwag ipatupad ang desisyon ng CTA na nag-uutos kay Pacquiao at asawa nitong si Jinkee Pacquiao na mag-post ng cash bond na PHP3.2 billion o PHP4-billion surety bond.

Noong Abril 2016, muling pinaboran ng Supreme Court Second Division si Manny nang sabihin nitong dapat magkaroon ng recomputation sa PHP2.2-billion worth of tax laban sa boksinger dahil sa PHP32 million payment nito.

Sabi ng Korte, sa kabila ng payment na ginawa ng mag-asawa, nag-isyu pa rin ang tax court ng PHP3.29 million bond.

Umalma ang mag-asawa laban sa CTA dahil sa diumano’y “grave abuse of discretion” nang mag-isyu ito ng resolution na mag-deposit sila ng PHP3.2-billion o PHP4-billion cash bond upang hindi na mangolekta ang BIR ng PHP3.29 billion tax liabilities.

Noong 2017, nagpahayag ang senador ng kagustuhang ma-settle na ang isyu sa BIR.

Abril 2017 nang sabihin ng boxer-politician sa isang interview, “It is my desire to seek an end to the pending litigation because, as a Senator, I do not want to maintain a case against the government.”

Sinabi naman ng BIR, lumapit na ang mga abogado ni Pacquiao sa tax authorities upang pag-usapan ang possible settlement.

Wala pang bagong development sa kasong ito.


Stories We Are Tracking

Henares reminds Pacquiao to submit proper tax documents
Henares reminds Pacquiao to submit proper tax documents
Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court
Pacquiao’s bank deposits ordered frozen by tax court


ZOREN LEGASPI

May 8, 2014 nang sampahan ng tax evasion case si Zoren Legaspi kaugnay ng diumano’y hindi tamang pagdeklara ng kanyang Income Tax Returns noong 2010 at 2012.

Idineklara raw ni Zoren na PHP6.79 million ang kanyang kinita noong 2010 at PHP1.82 million naman noong 2012.

Pero sa datos ng BIR, may total income umano si Zoren na PHP9.64 million noong 2010 at PHP6.49 million noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bunsod nito, nagkaroon ng PHP4.45 million tax liabilities ang aktor sa BIR.

Makalipas ang ilang araw matapos sampahan ng kaso, naglabas ng statement si Zoren at sinabing handa siyang makipagtulungan sa BIR.

"Sang-ayon po ako na ang tamang buwis ay dapat bayaran para sa ikakaunlad ng bayan.

"I'm more than willing to comply and cooperate to assess my tax liabilities.

"Aalamin po namin kung saan kami nagkamali," ani Zoren sa kanyang inilabas na statement.

Sa isinagawang preliminary hearing sa DOJ noong Hunyo 6, 2014, hindi mapigilang sabihin ni Zoren sa isang interview na mabigat ang kalooban niya dahil sa kaso.

Idiniin din niya na ang kaso ay kontra sa pagkakahirang sa kanya bilang isa sa Top 10 individual taxpers sa Pasig noong 2010.

“So. ang sinisisi ko na lang dito ay yung system, hindi yung mga tao,” himutok ni Zoren.

Sabi pa niya, premature umano ang pagsampa ng kaso sa kanya ng BIR dahil natanggap niya ang sulat mula sa ahensya na nag-uutos na magsumite ng mga dokumento noong May 7, 2014, subalit sinampahan na siya ng kaso ng BIR sa DOJ, kinabukasan, May 8.

Inamin naman ni Zoren na mayroon din siyang pagkukulang.

Ipinaubaya niya sa kanyang accountant ang pagbabayad ng buwis mula sa kanyang kinita.

Nakasaad din sa kanyang affidavit na wala siyang kaalam-alam kung tama o mali ang nilalaman ng kanyang mga tax documents.


Stories We Are Tracking

Zoren Legaspi blames
Zoren Legaspi blames "system" for tax evasion case
Zoren Legaspi faces P4.45-M tax evasion case
Zoren Legaspi faces P4.45-M tax evasion case
Zoren Legaspi and Carmina Villarroel answer issues
Zoren Legaspi and Carmina Villarroel answer issues
Zoren Legaspi
Zoren Legaspi "willing to comply and cooperate" with the B


SOLENN HEUSSAFF

Nagulat and Filipino-French actress na si Solenn Heussaff nang sampahan siya ng PHP3.6-million tax evasion case ng BIR noong Abril 4, 2013.

Ayon sa agency, mali ang idineklarang income tax returns ng aktres noong 2011, kung saan idineklara niya na ang kanyang gross income ay PHP6.73 million at taxable income na PHP3.3 million.

“Heussaff’s underdeclaration is more than 30 percent and is a prima facie evidence of fraud,” sabi ng BIR sa statement nito.

Sinabi naman ni Solenn na tiniyak sa kanya ng pinagkakatiwalaang tao na nagha-handle ng kanyang finances na maayos ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inasikaso ni Solenn ang kaso at sumipot sa mga hearings.

Agosto 2013, sinabi ni Solenn na nasa proseso pa rin ang kasong isinampa sa kanya ng BIR.

Pero tiniyak niya, “Ako, naayos ko nang lahat. Pero since nasa court na yung case, dapat ang court na ang mag-cancel or not. Pero lahat, ayos na.”

Sinabi rin ni Solenn na balak niyang bayaran ang halaga nang buo.

Himutok lang niya ay hindi siya nagkaroon ng due process at naisapubliko pa ang isyu na sana ay naiwasan.

Natutunan daw ni Solenn sa pangyayari na huwag ibigay ang buong tiwala, pagtukoy sa inasahan niyang mag-aasikaso sa kanyang finances.

Ang natutunan daw niya: “Get a good accountant. Try to understand the papers.”


Stories We Are Tracking

Solenn Heussaff settles issue with the BIR
Solenn Heussaff settles issue with the BIR
Solenn Heussaff shocked by tax evasion case
Solenn Heussaff shocked by tax evasion case

 


RYAN BANG

Enero 31, 2013 nang sampahan ng BIR si Ryan Bang ng total tax liability na nagkakahalaga ng PHP1.82 million, kasama na ang surcharges at unpaid taxes.

Natuklasan sa mabilisang pagsusuri o curiosity check ng BIR, sa ilalim ni dating Commissioner Kim Henares, na hindi pala nakakabayad ng tamang buwis si Ryan mula nang magsimula ito sa showbiz noong 2010 hanggang 2011.

Nabigo raw ang Korean national na i-register ang iba't ibang uri ng internal revenue taxes nito, kagaya ng income tax, percentage tax, at value added tax returns.

Noong 2011 ay nakatanggap si Ryan ng tsekeng nagkakahalaga ng PHP852,274 bilang bayad sa kanyang trabaho sa ABS-CBN at iba't ibang kumpanya.

Nakatanggap din siya ng PHP2.06 million dahil sa kanyang trabaho sa ABS-CBN at sister companies nito.

Aminado si Ryan sa kanyang pagkukulang.

“Akala ko po naman, kung alam ko lang talaga, nagbayad ako.

“Kung alam ko lang talaga na may ITR, mga tax.

“Kung tatakas ako, siyempre wala ako dito, tatakas akong talaga

“Pero hindi ko alam talaga. Nagulat lang akong talaga,” paliwanag niya sa isang panayam noong Pebrero 2013.

Pero sa tulong ng talent management na Star Magic at mga kaibigan, inasikaso ni Ryan ang kanyang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2014 nang ipahayag ni Ryan ang magandang balita.

“Maayos na nagbayad naman ako doon.

“Nangutang naman ako sa ABS-CBN boss para doon.

“Nagpapasalamat ako sa ABS-CBN," pahayag ni Ryan sa isang interview.


Stories We Are Tracking

Ryan Bang on tax evasion case:
Ryan Bang on tax evasion case: "Kung gusto nila akong ibalik sa Korea e wala akong choice, babalik na lang ako."


DAIANA MENEZES

Hindi rin nakaligtas sa BIR ang Brazilian model-TV personality na si Daiana Menezes nang sampahan siya ng tax evasion charges ng BIR noong Abril 7, 2011.

Inakusahan ng BIR si Daiana na hindi siya nag-file ng kanyang income tax returns sa taong 2007 at 2009.

Sa press statement ng BIR, sinabi nitong nakatanggap ng total taxable income si Daiana ng PHP2,659,668.10 mula 2007 hanggang 2009 dahil sa kanyang trabaho mula sa iba't ibang kumpanya at endorsements, pero hindi siya nagbayad ng buwis.

Ayon pa sa ahensiya, ang tax liabilities ng Brazilian ay umabot ng PHP983,658.07 mula 2007 hanggang 2009, kabilang ang surcharges at interes.

Pero sinagot ni Daiana ang isyung ito sa pareho ring araw, Abril 7.

Aniya sa text message sa PEP.ph, inaasikaso na niya ang isyu tungkol sa kanyang buwis.

Giit pa niya, “I have been paying my taxes religiously.”

Nakatakda raw niyang bayaran ang kanyang buwis sa susunod na linggong iyon na deadline sa kanya.

Himutok din niya, mali ang ginawa ng BIR na ilagay siya sa balita.

“So wrong from BIR to put me in the news. Its so mali.

"Somebody stupid made sumbong when I’m up to date naman and everything is being taken cared of.

"I’m up to date with my taxes I love the Philippines and it's not yet April 15 and just to think my taxes are being taken care of,” pahayag niya.


Stories We Are Tracking

Daiana Menezes on tax evasion case filed against her:
Daiana Menezes on tax evasion case filed against her: "I have been paying my taxes religiously."
Daiana Menezes denies relationship with Governor Chavit Singson; settles P2-million tax evasion case
Daiana Menezes denies relationship with Governor Chavit Singson; settles P2-million tax evasion case


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN