Arnold Clavio explains IG post calling out Karen Davila: "Paalala lang kasi senior naman ako sa kanya."

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa rin daw nagpaparamdam kay Arnold Clavio (nasa larawan) si Karen Davila matapos silang magparinigan sa social media noong nakaraang Enero. Ayon kay Arnold, nag-text at nag-private message pa raw siya sa dating kasamahan sa GMA News ngunit hindi siya sinasagot nito.


Hanggang ngayon ay hindi pa raw nagri-reach out sa GMA-7 broadcaster na si Arnold Clavio ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila.

Ito ay matapos magparinigan ang dalawa sa social media noong Enero 2018 tungkol sa isyu ng online news site na Rappler.

Sa kanyang Twitter noong January 18, inalmahan ni Karen ang “Balitawit” segment nina Arnold, Ali Sotto, at Susan Enriquez sa Saksi Sa Dobol B ng DZBB—na sabay ding napapanood sa GMA News TV—ang diumano’y pagtatawanan ng tatlo sa naging hakbang ng Securities and Exchange Commission (SEC) na ipasara ang Rappler.

Sabi ni Karen sa kanyang tweet, “YES! Key words - solidarity & courage. It saddens me to hear some colleagues making jokes on air on Rappler being shut down or which one’s next.”

Sinagot naman ito ni Arnold makalipas ang ilang araw.

Bahagi ng post ni Arnold sa kanyang Instagram account noong January 21, “Is this your post @iamkarendavila?

“Can’t believe you didn’t even get our side...

“Halatang hindi mo kasi napanood o napakinggan eh at naki-tsismis ka lang. ‘Solidarity and courage’ ba kamo?

"Yun nga ang mensahe ng Balitawit ko.

"Eto ang refrain para sa kaalaman mo, 'Panahon na naman ng paglaban

"Panahon na naman...

"Panahon na naman ng paglaban

"Gumising ka

“Tara na!”


Stories We Are Tracking

Arnold Clavio takes a swipe at Karen Davila
Arnold Clavio takes a swipe at Karen Davila

JUST A REMINDER. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Arnold sa presscon ng first anniversary ng Dobol B sa News TV, sa GMA Network Center, ngayong Biyernes, April 27.

Dito ay nausisa siya tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Karen.

Nagkausap na ba sila pagkatapos nito?

Ayon kay Arnold, “Wala. Wala, wala kahit yung…

"Yung husband niya kasi, kaibigan ko din, si DJ [Sta. Ana], nagtanong siya.

"E, di daw siya active sa Twitter, sabi ko, ‘Di bale na lang.’

“Okay lang yun, talagang parang paalala lang [yun] kasi senior naman ako sa kanya, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon ding nagkasama sa GMA News sina Arnold at Karen, bago lumipat ang huli sa ABS-CBN.

Nagkasama sila sa mga programang Brigada Siete at Radar, kaya kahit daw papaano ay kilala ni Arnold si Karen.

Ayon pa sa Kapuso broadcaster, “So, baka passionate lang siya.

"Kasi ako, ang isa kong laging ano… cautious ako kapag kapwa media na yung involved, mag-iisip ka talaga, e.

“Lalo na ibang network pa, baka iba kasi ang maisip na motibo.

"E, kilala naman si Karen sa ganun, di ba, biglang-bigla na lang siya umano.

“Medyo nag-aano lang ako kasi hindi mo man lang ako tinanong.

"Biglang-bigla kang [nag-post] 'tapos hindi mo pa ako kinampihan.

“Kung narinig mo yung paliwanag ko, baka… so, di ba?

"Yun lang, paalala lang yun.

"Pero kung magkita kami, e, di magbatian kami.

“Pero hindi talaga siya nag-ano... tinext ko, PM, wala, e.”

Kaya raw sa social media sumagot si Arnold dahil sa social media rin nag-post si Karen.

“Ang sa akin naman, nag-comment siya sa social media, dun ko siya sasagutin, di ba, para mabasa rin ng follower niya.

"Kasi kung kami lang [mag-usap], baka hindi pa niya sabihin yung mga dapat sinabi ko, mahirap na, e.

"Pero okay lang," sabi ni Igan.

SAKSI SA DOBOL B. Samantala, ipinagmamalaki ng Dobol B sa News TV na nangunguna sila sa kanilang mga kalaban, base sa Nielsen Radio Audience Measurement survey.

Ang Dobol B sa News TV ay ang pagpapalabas din sa telebisyon, via GMA News TV, ng mga programa ng DZBB mula alas-5 hanggang alas-11 ng umaga.

Kabilang dito ang mga programang Saksi sa Dobol B, Super Balita sa Umaga Nationwide, at Dobol A sa Dobol B.

Kasamang humarap ni Arnold sa press kanina ang kapwa niya Kapuso broadcaster na sina Mike Enriquez, Ali Sotto, at Joel Reyes Zobel. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN