Regine Tolentino ready to love again after annulment of marriage to Lander Vera-Perez

IMAGE Julie Bonifacio (right frame)

Regine Tolentino on estranged husband Lander Vera-Perez: "He does not support [our kids] whatsoever, not even once, since the day he left."


Ibinalita ni Regine Tolentino na malapit nang matapos ang annulment case na isinampa niya laban sa kanyang estranged husband na si Lander Vera-Perez.

Pahayag niya, “I’m pleased to say that probably next month, matatapos na rin ang very long process ng annulment, because hindi po naabutan ng divorce.

“I just had my last few hearings and finally matatapos na ‘yan, finally, after two long years, official na.

"Maybe next month po, pero I’m happy and hopeful.” 

Hindi raw sila nagkikita ni Lander sa mga court hearing.

"Hindi siya sumisipot, so that makes the whole process so much easier. Thank God.”

Matapos ang lahat, hindi rin daw sila naging magkaibigan.

“We are not,” sambit ni Regine, sabay kagat sa kanyang labi.

Hindi rin sila nagkakausap kahit sa telepono man lang, pero may ideya ba si Regine kung nasaan na si Lander?

“I have no idea where he is.

"He has no communication with my kids.

"He does not support them whatsoever, not even once, since the day he left.

"That’s the thing. So, I don’t know.

"If you find him, you can ask him."


Stories We Are Tracking

Regine Tolentino confirms separation from Lander Vera-Perez
Regine Tolentino confirms separation from Lander Vera-Perez
Regine Tolentino-Lander Vera Perez annulment in final stages
Regine Tolentino-Lander Vera Perez annulment in final stages
Regine Tolentino annulment case to be resolved this year
Regine Tolentino annulment case to be resolved this year
Regine Tolentino on Lander Vera-Perez: 'No help whatsoever.'
Regine Tolentino on Lander Vera-Perez: 'No help whatsoever.'

THE CHILDREN. Ano ang reaksiyon ng mga anak nina Regine at Lander tungkol sa nalalapit na pagpapawalang-bisa sa kasal ng kanilang mga magulang?

Ayon kay Regine, “Actually, years ago pa, kasi, di ba, pang-fourth year na ‘to?

“They were saying, ‘Mama, go out. You should meet people. You should hang-out with your friends and do fun stuff.'

"Kasi they know na puro work lang talaga ako. So, they’re really open to that.

“Ako lang yung medyo... parang alangan namang magba-bar ako? Or magka-club ako?

"Hindi naman ako ganun, may time for that, eventually. And my time for that part of my heart.

“It’s my personal choice... I just have a clear conscience once it’s also legal para, at least, walang masabi ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve been waiting for a long time because I promised my kids that I won’t, you know, start dating until it’s done and it’s legal.

"So, it’s been four long years na walang love life, and okay naman.

“Thank God I’ve been so busy with my concert and all my Zumba activities and stuff like that.

"Hindi ko naman na-feel masyado ang loneliness. Malay mo baka after this is done I can start over, and put myself out there.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng Dance by the Beach Fitness Party, isang event na gaganapin sa Aureo La Union, San Fernando, La Union, sa April 28, Sabado.

TO LOVE AGAIN. Since malapit nang matapos ang annulment case, open na ba siyang magmahal muli?

“I’m open for to love someone, naks!

"Malay mo ma-meet ko doon sa event namin!" sabay tawa ni Regine.

Ano ang tipo ng lalaking susunod na mamahalin niya? Ka-age ba niya o mas matanda sa kanya nang konti?

“Maging choosy pa ba ako?” balik tanong ni Regine, “Oh, wait, tama! Mas choosy nga ako dapat ngayon.

“I guess somebody that understands my line of work because I love what I do.

"In fact, kahit may love life na ako, hindi titigil ang pagsasayaw ko, pagbi-business ko.

“So, probably someone who... basta ako, I like someone tall, fit, and sweet.

"Kasi mahilig ako sweet-sweet, ganun. Kilig something... yun lang.

“Wala kasi akong ideya. Wala akong... hindi ko ma-imagine yung kind of guy na gusto ko,”

Gusto pa rin ba niya taga-showbiz?

“No way! No showbiz! Yun ang hindi talaga. Ayaw ko ng taga-showbiz,” sagot ni Regine.

Ayaw rin daw niya ng foreigner, "Ayoko rin... Ang choosy ko! Pinoy pa rin! I love Filipino guys.”

Open pa rin ba siya sa ideya ng kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do,” ngiti ng TV personality and fitness guru.

“I’m a hopeless romantic at the end of the day. Kaya nga ata ako nag-asawa nang maaga.

“Yes, life begins at 40, I want to achieve everything I can now, like, new life, everything pagpatak ko ng 40.”

What does she know about love now na hindi niya alam noon?

“I don’t know, e, kasi wala pa nga, e. Hahaha!

"All I know is that I have so much love to give.

"And whoever that lucky person is, the Mr. Right for me, ang suwerte niya kasi grabe akong magmahal. Hahaha!

“And ano, nakapag-research, nakapag-counseling na lahat. So, parang, I’m ready now.

"And the children are as well, nakakapag-counseling na sila and we always have a good communication system, kaming tatlo.

"They’re super supportive kung sinuman yung magustuhan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN