Roderick Paulate posts bail for graft and falsification charges

IMAGE Instagram

Actor and Quezon City councilor Roderick Paulate posts P246,000 bail for graft, falsification charges.


Nagpiyansa ang aktor at Quezon City councilor na si Roderick Paulate sa Sandiganbayan 7th Division ngayong Biyernes, April 27.

Ito ay kaugnay ng graft and multiple counts of falsification charges na isinampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Tinatayang P246,000 ang kabuuang halaga ng piyansa ng actor-politician para sa one count of graft, one count of falsification by a public officer, at eight counts of falsification of public documents.

Inihain ng Office of the Ombudsman ang reklamo laban kay Paulate nitong Miyerkules, April 25.


Stories We Are Tracking

Roderick cries foul over 'recycled' cases filed against him
Roderick cries foul over 'recycled' cases filed against him

Nagpiyansa rin ang kanyang co-accused at liaison officer na si Vicente Esquilon Bajamunde ng halagang P220,000.

Si Bajamunde ay driver ni Paulate.

Nahaharap ngayon sina Paulate at Bajamunde sa criminal charges dahil sa diumano’y pagha-hire ng konsehal ng 30 ghost employees na nakalista bilang contractual employees sa city hall, at nagdulot sa pamahalaan ng “undue injury” dahil sa nakoletang P1.1 milyon bilang sahod.

Lumabas sa imbestigasyon na sina Paulate at Bajamunde ang gumawa ng "falsification of the signatures of the purported payees and collect the full amount of the falsely signed payroll."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN