Ali Sotto reacts to Karen Davila's tweet about their radio program

IMAGE Noel Orsal

Suportado ni Ali Sotto ang kasamahang si Arnold Clavio sa pagpuna nito kay Karen Davila dahil sa mali raw nitong interpretasyon sa segment ng kanilang programa na Dobol A sa Dobol B sa DZBB at GMA News TV. 


Suportado ni Ali Sotto ang naging hakbang ni Arnold Clavio na punahin ang ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila.

Kaugnay ito ng Twitter post ni Karen noong January 18 kung saan pinatutsadahan nito ang programa nina Arnold at Ali sa DZBB na Double A Sa Dobol B.

Sa January 15 episode ng programa, natalakay sa segment na “Balitawit” ang tungkol sa ginawang hakbang ng Securities and Exchange Commission (SEC) na pagpapasara ng online news site na Rappler.

Idinadaan nila sa awit ang kanilang opinyon tungkol sa issue.

Nasa kanta rin nilang baka raw ang susunod na ipasara ay ang istasyon sa Mother Ignacia (St. Quezon City), kung saan nakatayo ang ABS-CBN.

Nag-react dito si Karen at pinuna ang tila pagiging masaya pa ng mga host ng radio program sa napipintong pagpapasara ng Rappler.

Bukod kay Ali at Arnold, ang nakasama nila sa kanilang broadcast noong araw na iyon si Susan Enriquez, na pansamantalang humalili kay Mike Enriquez na nasa bakasyon.


Stories We Are Tracking

Arnold Clavio takes a swipe at Karen Davila
Arnold Clavio takes a swipe at Karen Davila
Arnold Clavio explains IG post calling out Karen Davila
Arnold Clavio explains IG post calling out Karen Davila

"SALING-BIBIG." Sa presscon ng first anniversary ng Dobol B sa News TV sa GMA Network Center ngayong Biyernes, April 27, nagbigay ng pahayag si Ali sa isyu bilang kasama siya sa pinasaringan ni Karen.


Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media, “Hindi naman nila napanood personally, hindi naman sila nakinig… hindi naman nila napakinggan mismo [yung programa]…

"Yung saling-bibig, 'tapos pag nakarating na dun sa iba, 'tapos magri-react sila sa social media pa. 

“May number ka ni Arnold, may access ka sa kanya, may number ka sa kanya, tanungin mo, di ba?”

Paglilinaw naman ni Arnold, “Naka-post yung lyrics [sa TV at Instagram], hindi pinagtawanan.

“Ang 'Balitawit' [topic] na yun, it’s about media persecution, e.

"Siyempre may mang-iintriga, kasi GMA kami, ABS-CBN sila. May nagsimula lang siguro na ganun.

“Pero pangkalahatan na baka ito na naman yung media ano [persecution].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabat ni Ali, “Kaya tatanungin mo, napanood mo ba?

“'Tapos yung nagtatawanan, kasi sintunado si Susan.”

Samantala, masaya ang pamunuan ng DZBB at ng GMA News TV dahil consistent daw na number one ang mga programa nila mula alas-5 hanggang alas-11 ng umaga sa radyo at sa telebisyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN