Alwyn Uytingco clarifies plan to move to Siquijor with his family

Alwyn Uytingco on being a family man: "Ako, masaya ako, kasi ito ang pinagdadaanan ko bilang isang asawa, bilang isang ama. Saka ang sarap na nagtatrabaho ka, pagod na pagod ka, pagdating mo, may sasalubong sa iyong bata."


Nilinaw ni Alwyn Uytingco ang espekulasyong iiwan na niya ang showbiz at maninirahan na sa lalawigan ng Siquijor, kasama ang kanyang misis na si Jennica Garcia at ang kanilang anak.

Ito ay pagkatapos mapanood ang vlog series nina Alwyn at Jennica sa YouTube na may pamagat na “From City to Siqui” noong October 2017.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alwyn sa presscon ng Cine Filipino sa Gloria Maris restaurant sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, kahapon, April 25, tinanong ang aktor kung tuloy ba ang balak nilang paninirahan sa Siquijor.  

Saad ng aktor, “I did a vlog, nagba-vlog din kasi kami ngayon.

“Yung family namin, we went to Siquijor, and I vlogged the whole experience.

“Mainly, yung pagpunta namin dun, dalawang reasons—para magbakasyon and to look for possible place na mag-settle.

“Hindi naman necessary na gusto naming lumipat na agad, pero we’re looking forward in a very, very near future.

“‘What if tumira kami sa probinsiya, kumusta sa Siquijor?’

“Hindi kami basta-basta lilipat agad, actually, ang dami pang mangyayari.

“Ang pangarap ko sa pamilya ko, makapagsimula ng farming, magkaroon ng simpleng pamumuhay.

“But before you go to that season of your life, marami ka pang dapat pagdaanan.”

Kilala ang Siquijor dahil sa mga sinauna pang kuwento tungkol sa mga nababalot na kababalaghan diumano rito.

Ano ang masasabi ni Alwyn dito?

Aniya, “‘Yan, hindi natin basta-basta puwedeng ide-debunk na walang mangkukulam or mayroon, kasi di mo masasabi.

“Ang masasabi ko lang ngayon, siguro yung buong isla, nag-evolve na siya into modern times.

“And kung mayroon man sigurong gumagawa nun, e, gumagawa na lang siguro pag hiniling mo, kapag hinanap mo.”

FAMILY MAN. Malapit nang isilang ni Jennica ang ikalawang anak nila ni Alwyn, pero hindi pa raw nila alam kung ano ang gender nito.

Ayon sa aktor, “I think due siya ng June or July.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Babae o lalaki? Secret pa kasi gusto namin paglabas, sasabihin ng doktor, ‘It’s a boy! It’s a girl!’

“Yung panganay, si Mori, she’s a girl, three years old na.”

Kumusta ang buhay may pamilya?

Saad ni Alwyn, “Ang dami, ang daming learning experience din.

“Ako, masaya ako, kasi ito ang pinagdadaanan ko bilang isang asawa, bilang isang ama.

“Saka ang sarap na nagtatrabaho ka, pagod na pagod ka, pagdating mo, may sasalubong sa iyong bata.”

Pianpurihan din ng aktor ang kanyang misis bilang maybahay.

“Si Jennica, napaka-passionate niya.

“Ako, ang dami kong natutunan sa kanya bilang husband.

“Ako, ako yung nag-a-apply, ina-apply ko lahat ng itinuturo niya.

“Iba, iba siya mag-isip, iba siya mag-research.

“Busy siya ngayon magturo, nagtuturo siya ng potty training.

“May mga classes siya na ginagawa to empower women and family.

“Yung pagwiwi, proper way of training the children how to potty, at hindi na kailangang mag-diaper.”

BEHIND THE CAMERA. Sa ngayon ay lie low muna si Alwyn sa pag-aartista.

Pinasok muna niya ang creative side ng paggawa ng pelikula at balak din niyang subukan ang pagdidirek.

“Ako kasi, may ginagawa ako ngayon na film for Pista ng Pelikula naman.

“Ibang filmfest naman, pero part pa rin ng FDCP [Film Development Council of the Philippines].

“Ang direktor ko ay si Fifth Solomon ng PBB, nag-film kasi si Direk Fifth, so ngayon this will be his first full-length picture.”

Lahad pa ni Alwyn, “Sobrang dami naming learning experience para sa project na ito.

“Ako, natutuwa lang ako na ito yung nabuo naming team.

“Ako yung executive producer nung film.

“I just wanna experiment, gusto ko ring makabuo ng mga pelikula na part ako nung creative process.

“For now, wala pa sa TV, kasi more on production ang ginagawa ko, commercials.

“Itong movie na ito and then, by next year, mayroon akong isa pang gagawin na film, part din ako ng producing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully may ipi-pitch ako na dalawang pelikula na ako na ang magdidirek.”

Bilang isa ring bahagi ng produksyon ng paggawa ng pelikula, buo ang suportang ibinibigay ni Alwyn sa film festivals gaya ng Cine Filipino.

“Yung associate producer ko is part of the organizing team.

“Sabi niya, ‘Sama ka kasi nandito lahat ng friends mo,’ dumaan lang ako saka suporta lang,” aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN