Philippine bet Cynthia Thomalla wins Miss Eco International 2018

IMAGE Instagram

Cynthia Thomalla of the Philippines is the new Miss Eco International. Thomalla bested 50 other candidates from all over the world to win the crown at the grand coronation held in Cairo, Egypt.


Si Cynthia Thomalla ng Pilipinas ang nanalo sa fourth edition ng Miss Eco International 2018.

Ginanap ang grand coronation sa Cairo Opera House Elzamalek sa Cairo, Egypt, kagabi, April 27 (Saturday morning, April 28, Philippine time).


Limampu’t isang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang tinalo ni Thomalla.


First runner-up si Astira Vernadeina ng Indonesia, second runner up si Nguyen Thi Dung ng Vietnam, third runner-up si Glennys Medina Segura ng Costa Rica, at fourth runner-up si Kelin Rivera Kroll ng Peru.

Si Thomalla ang pangatlo sa mga beauty title holder ng Miss World Philippines na nanalo sa international beauty contest.

Nauna nang nagwagi si Teresita Ssen Marquez ng Reina Hispanoamericana title sa Santa Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

Kinoronahan naman si Sophia Senoron bilang Miss Multinational 2018 noong February 26, 2018 sa New Delhi, India.

Bukod sa pagiging beauty queen, artista na rin si Thomalla dahil pumirma siya ng exclusive contract sa Regal Entertainmen,t Inc.noong October 2017.

Mula sa pamilya ng mga artista si Thomalla dahil popular stars sa Germany ang mga pinsan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN