Newcomer Joshua Colet neither confirms nor denies video scandal

IMAGE Screen grab from ABS-CBN Instagram

Joel Colet on taking videos and photos of himself and his private moments: "May mga ganun. Lahat tayo pinagdadaanan natin 'yan... Ano pang sasabihin ko, yung kapilyuhan, kasama 'yan sa pagiging binata... You want to try new to things. I was open to that."


Hindi direktang itinanggi o kinumpirma ng Kapamilya newcomer na si Joshua Colet kung mayroon o wala siyang video scandal na posibleng sumulpot.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joshua sa mediacon noong April 23 ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, napag-usapan ang tungkol sa biglaang paglitaw ng mga video scandal ng mga artista sa social media at gay sites.

Ilan sa mga kapwa niya Kapamilya stars ang mayroon na nito na. Kuha ang mga ito nang hindi pa sila masyadong sikat o wala pa sa showbiz.

Sa tanong ng PEP.ph kay Joshua kung wala bang posibleng sumulpot na video scandal niya, hindi niya ito direktang itinanggi o inamin.

Pahayag ng 22-year-old newbie, “Ako naman, parang graduate na ako diyan, e. Wala na lang sa akin.

“Kung magkaroon man, kalimutan na lang natin.

“Mag-focus na lang tayo sa future kung anuman yung magagawa natin sa career.

“Sa totoo lang, hindi ko na iniisip kung meron mang lumalabas or lalabas man.”

Sigurado bang hindi siya yun, kung sakaling may kumalat na video na nagsasabing siya ang nasa video? 

Tugon ni Joshua, “Wala pa namang nangyayari sa akin na ganun.

“Pag may relationship ka, ginagawa yun, at hindi mo alam kung may lalabas na ganun.”

Ang tinutukoy niya rito ay ang pagbi-video ng kanyang private at closed-door moments.

“Kung sakali man,” patuloy ni Joshua, “kung may lalabas or may lumabas sa mga past relationships ko, let bygones be bygones, walang problema sa akin. 

“Nakaraan na yun. It’s not an issue anymore. 

“Sa panahon ngayon, because of social media, because of the internet, you can get anything from anybody. Parang wala na talagang privacy.

“Kung may mag-effort talaga na magkalikot at kunan yung mga files, wherever they can get it, so be it. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t think it will affect me as a person.”

ADVENTUROUS. Hindi itinanggi ni Joshua na naging adventurous din siya dahil sa bugso ng kanyang kabataan.

Pag-amin niya, “I can say I lived the college life at marami ang makakaintindi dun. 

“Marami rin akong na-experience sa college na, sa tingin ko, molded me into the person I am right now.

“So, wala akong pinagsisihan about the things I made—some right mistakes or wrong mistakes.

“A wrong decision or right decision, kasama talaga sa buhay ‘yan.”

Kabilang dito ang pagbi-video ng sarili o pagti-take ng photos of himself in the nude?

“May mga ganun,” pag-amin niya.

“Lahat tayo pinagdadaanan natin ‘yan.

“Pero sa ngayon, wala na sa mga tao, parang normal na lang.

“Ano pang sasabihin ko, yung kapilyuhan, kasama ‘yan sa pagiging binata.

“Pag tumatanda ka, marami kang mae-experience with friends and even family, mag-e-enjoy lang kayo talaga. 

“You want to try new to things. I was open to that.

“Pero when you mature, you realize na hindi mo kailangan itong mga bagay-bagay na ‘to, di ba?

“Yung mga sinubukan mo dati, isang beses lang, hanggang doon lang yun.”

So, posibleng mayroon siyang video scandal?

“Oo, oo,” pag-amin na rin sa wakas ni Joshua.

“Siyempre, with women, ginagawa na natin 'yan. 

“Hindi ko lalagyan na period na wala.”

Pero dugtong niya, “Kalimutan na natin yun, kung meron man.”

Bago ang Araw at Gabi, napanood si Joshua sa prime time series na La Luna Sangre, kung saan gumanap siya bilang moonchaser.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN