Newbie Joshua Colet flattered to be compared to Gabby Concepcion, Christopher Reeve

IMAGE Instagram

Newcomer Joshua Colet on being pegged as a sexy actor: "This is an art form, and other people look at it maliciously, nasa kanila na yun. Pero I respect them as long as they don't disrespect me, to the point na kung anuman. Kung ganun ang tingin nila sa akin, walang problema."


Sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Araw Gabi noong April 23, Lunes, umagaw ng pansin sa mga dumalong press ang presence ng baguhang aktor na si Joshua Colet.

Ito ay sa kabila ng panay guwapo at makikisig ang co-stars niyang sina JM de Guzman, Victor Silayan, at RK Bagatsing.

May mga nagsasabi pa ngang kahawig ni Joshua ang aktor na si Gabby Concepcion at maging ang Hollywood actor na si Christopher Reeve.

Si Joshua ay anak ng dating commercial model at matinee idol na si Noel Colet.

Bago ang Araw Gabi, tumatak sa mga manonood ang pagganap niya bilang moonchaser sa ABS-CBN prime time series na La Luna Sangre.  

Ano ang reaksiyon ni Joshua kapag sinasabing kahawig niya si Gabby o si Christopher na gumanap noon bilang Superman?

Tugon ng 22-year-old newcomer, “Siyempre, natutuwa ako na ganun ang iniisip ng tao. 

“For them, it brings back memories din of actors back in the day, like my father, who is Noel Colet.

“He’s a good actor back in the ‘80s, and hanggang ngayon lumalabas pa rin siya sa Sana Dalawa Ang Puso.”


Noel Colet in the '80s

Dagdag ni Joshua, “I want to live in that expectation. 

“Sinasabi kasi nila, ‘Kamukha mo si Gabby, kamukha mo si Christopher Reeve.’

“They’re good actors po so I want to live in that expectations na, ‘Here is somebody who looks like them, katipo, magaling ba umarte? Makakapag-perform ba nang maayos?’

“Yun po ang tinatrabaho ko sa ngayon.

“Physically, okey na po ako. Yung acting, tatrabahuhin ko po talaga.”

Banggit pa niya, “Ang mommy ko is a theater actress.

“Actually, nasa Araw Gabi rin siya, secretary ni JM. 

“Gusto ko po talaga ang ginagawa namin.”

NEW KID ON THE BLOCK. Isa si Joshua sa posibleng abangan ng mga manonood sa Araw Gabi, hindi lang dahil sa kanyang good looks kundi maging sa kanyang magandang pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaaring maging pantasya siya ng mga bading at kababaihan kapag nagsimula na siyang magpakita ng kanyang toned-body sa topless scenes niya sa teleserye.

Cleanse your mind, body and spirit ????

A post shared by Joshua Colet (@joshcolet) on

Handa na ba siyang maging object of desire ng female, or even gay fans?

“Sa ngayon po, hindi ko masasabi na doon po ako mapupunta,” nakangiti niyang sagot.

“Open naman po ako to all these things...

“Kung sexy actor po ako papatok, kung doon po talaga ako magaling... kasi tinatrabaho ko po talaga. 

“I’m just looking for experience. I want to do my best.

“Kung makilala ako as a sexy actor, okey lang po ako. I would enjoy that.

“I feel, like, I’m prepared naman po...”

Pahayag pa ni Joshua, “Ako naman po, wala naman po akong pakialam, sa totoo lang, basta I do my thing.

“This is an art form, and other people look at it maliciously, nasa kanila na yun.

“Pero I respect them as long as they don’t disrespect me, to the point na kung anuman.

“Kung ganun ang tingin nila sa akin, walang problema.

“Kasi sa trabaho naman yun at hindi mo maiwasan na yung mga tao, ganun talaga ang iisipin.”

BIG BREAK. Itinuturing ni Joshua na magandang break ang mapabilang sa cast ng Araw Gabi.

Sa exclusive interview ng PEP.ph, nagbalik-tanaw si Joshua sa naging journey niya sa showbiz bago napasama sa Araw Gabi.

Simulang kuwento ng 22-year-old newbie actor, “I auditioned for the remake of Oka Tokat, ‘tapos natanggap po ako.

“Tapos nag-PHR [Precious Hearts Romances] po ako for Lumayo Ka Man Sa Akin, kina Maja Salvador at Jason Abalos.

“Ito pong Araw Gabi, parang bumabalik lang po ako sa PHR

“After nung PHR ko, nag-aral po muna ako. Nag-college ako. 

“I went to college sa UP Diliman, Tourism po, ‘tapos nag-varsity rin po ako ng Judo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

It's the season once again! #throwback

A post shared by Joshua Colet (@joshcolet) on

“Then, nakita ko yung audition ng La Luna Sangre, nag-audition po ako at natanggap akong bampira. 

“’Tapos, the next taping day, naging moonchaser na ako.

“Hanggang sa umabot na sa dulo na mga moonchaser na kami, mga superhero kaming tao, hindi kami namamatay.

“So, dun po nag-jumpstart po uli yung career ko. Hindi ko po ini-expect. 

“Ang una kong inisip, raket lang po, kasi bampira lang, madaling mamatay. 

“After that, salamat naman po at nagustuhan nila ang performance ko, doon binigyan ako ng opportunity dito sa Araw Gabi.

“Si Direk Ted Boborol po, siya po yung unang direktor na nakatrabaho ko sa Oka Tokat

“Noong first taping day ko, bagets na bagets pa ako, 16 years old pa lang po ako, wala pa akong masyadong experience.

“Siya po yung unang-una kong direktor.

“Siguro napansin niya na nasa La Luna ako, tinawagan niya ako for audition sa PHR. So, nag-audition po ako. 

“‘Tapos, after three months na mag-taping dito, tinawagan nila ako, gusto nila akong to play the role of Isaac, na best friend ni Barbie."

COLLEGE DEGREE. Bagamat nakatuon ang interes ngayon ni Joshua sa kanyang acting career, ipinangako raw niya sa sarili at sa mga magulang na tatapusin niya ang kolehiyo.

Sabi pa niya, “Opo, pumasok po itong opportunity na ito, mahirap pakawalan. 

”Yung sa school naman po, marami po akong mga kaibigang professors.

“Naiintindihan naman nila yung stand ko na gusto ko munang... kasi ito talaga ang gusto kong gawin, ito talaga ang mahal kong gawin.

“Gusto ko munang mag-focus dito and, eventually, babalik na lang ako sa school pag may oras na. Titigil pa muna ako.

“Nong college po kasi ako, I was part of the Judo team, varsity ako, medyo nahihirapan po akong mag-focus sa studies and training. 

“Tapos na po kasi yung competing years, e. 

“So, nung pumasok yung La Luna Sangre at nagtuluy-tuloy siya, gusto ko munang i-all out muna ito and see where I go, do the best, and God will do the rest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN