Is Maris Racal ready to follow in Nadine Lustre's footsteps as sexy actress?

IMAGE Instagram @mariesteller

Maris Racal on donning a sexy image just like her idol, Nadine Lustre: "Ang astig kaya niya. As in super! Ina-admire ko siya dahil super real siya na babae and cute ng mga style niya, so why not?"


Open si Maris Racal sa posibilidad na sundan ang career path ni Nadine Lustre, lalo na ang pagiging free-spirited nito sa lahat ng bagay.

Nakangiting pahayag ng Pinoy Big Brother (PBB) All In alumna, “Oo, puwede!

“Ang astig kaya niya. As in super!

“Ina-admire ko siya dahil super real siya na babae and cute ng mga style niya, so why not?”

Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago ni Maris, lalo na sa style ng kanyang pananamit na nagpapakita ng kanyang kaseksihan.

TAKING HER TIME. Kaya nga sinasabing siya ang puwedeng sumunod sa yapak ni Nadine bilang sexy actress dahil halos pareho rin silang morena.

“I don’t think na ganyan [sexy] ako. Hindi ko pa alam, e.

“Siguro po i-enjoy ko muna yung age ko ngayon.

“I-enjoy ko muna yung pagiging teen image ko, I’m 20 years old na po.

“Pero parang ganun pa rin po [teenager] ang nararamdaman ko.

“Pero siguro hindi naman ako takot. Siguro pag tama na ang edad,” tukoy niya sa pagpapa-sexy.

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maris sa nakaraang presscon para sa pagtatapos ng serye nilang Hanggang Saan na pinagbibidahan ng mag-inang Arjo Atayde at Sylvia Sanchez.

Ginanap ang presscon noong April 23, Monday, sa 9501 Resto, ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.

Bagamat hindi naman saradong conservative type na babae si Maris, hindi naman masasabing liberated siya sa pananamit.

Sabi niya, “Konti. May mga comments ako, pag super iksi ayoko na niyan.

“Pero pag kung kailangan kasi, gusto ko lang magawa kung ano yung hinihingi ng character at eksena.

"As long as maging good role model sa kabataan."

SIMILARITIES WITH NADINE. Hindi lang sa complexion may pagkakahawig sina Maris at Nadine.

Gaya ni Nadine, si Maris ay singer din.

Nagtataglay din ng innocent face si Maris katulad ng kanyang idolong si Nadine.

Sa tingin ni Maris, hanggang kailan niya pangangalagaan ang kanyang sweet image?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yun nga po ang sinasabi ko na ayaw ko pong ma-box sa sweet talaga.

“But siyempre, enjoy ko muna yung roles na ibinibigay sa akin ngayon and pag 23 or 22 years old na ako, mga ganyan po.

“Early twenties po.”

NOT YET READY TO GO ALL-OUT SEXY. Nilinaw ni Maris na ang pagpayag niya na makunan nang naka-swimsuit sa Siargao ay hindi senyales para ipakitang puwede na siyang magpa-sexy sa mga susunod niyang roles o projects.

Paglinaw niya, “Siguro po kung ganun po yung tingin nila, basta sa akin lang po, ini-enjoy ko lang kung ano yung nasa harap ko, e. “

May mga pumuri at may mga hindi rin naman nagkagusto sa kanyang mga bikini photos.

Ang ilan sa mga nakakita sa social media ay nag-comment na dapat raw pinaghandaan mabuti ni Maris ang pagpu-pose niya nang naka-bikini or nag-workout muna sya.

Pahayag ng aktres tungkol dito, “Yun nga po, e.

“Hindi ko naman po yun dinisregard, inisip ko muna na, 'Ah, may magsasabi na sana.'

“Pero may mga nagsasabi na, 'Sana ganyan-ganyan ka,' pero mas marami ang nag-appreciate na, 'Wow! Ang tapang mo!' ganun-ganon.

“Basta pag nasa tamang lugar ka naman na gawin yung gusto mong gawin, gawin mo na lang.”

Masusundan pa kaya ng maraming revealing swimsuit photos niya sa social media?

“Tatagalan ko na lang po muna parang walang magugulat!” ngiti niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN