Arjo Atayde reveals first impression of Maricel Soriano: "Isa sa pinakatotoo sa showbiz."

IMAGE Noel Orsal

Arjo Atayde on Diamond Star Maricel Soriano: "One, she's real. Isa sa pinaka-totoo sa showbiz. She's very real. She has no filter. She's very frank. Very, very kind and loving sa mga kaibigan niya."


May dalawang pelikula raw na ginagawa si Arjo Atayde na hindi pa niya puwedeng sabihin ang detalye.

Kakatapos lang din ng teleserye niyang Hanggang Saan.

At dahil nagdire-diretso siya sa loob ng mahigit dalawang taon sa paggawa ng serye, gusto muna raw niyang magpahinga sana kahit dalawang buwan.

Kaya nagulat ito nang sabihin namin na nabanggit na ng Diamond Star na si Maricel Soriano na siya ang magiging anak nito sa sisimulan nilang bagong serye sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter.

Natatawang hirit niya, “Binanggit niya po?

“Hindi ko na po babanggitin ang role because it’s going to be one of the most challenging things I’ll ever do.

“It’s crazy. I told my mom and I talked to Tita Maricel as well, we had dinner a couple of days ago.

“Sabi ko, 'Tita, I don’t know how I’m gonna do it.'

“Sabi niya, 'You have to believe in yourself,' and she’s there to guide me.

“So, with a Superstar telling me that...”

Excited na siyang maka-trabaho ang isang Diamond Star?

“I’m more than excited. That's an understatement.

“I’m working with two actresses who I look up to.

“Feeling ko, kakabahan ako. Baka mag-buckle ako nang mag-buckle.”

Ano ang naging impression niya kay Maricel noong makausap na niya?

Pagmamalaki niya, “One, she’s real. Isa sa pinakatotoo sa showbiz. She’s very real.

“She has no filter. She’s very frank. Very, very kind and loving sa mga kaibigan niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa launching niya bilang kauna-unahang endorser ng The Origin series perfume ng Beautederm, na ginanap sa Relish Restaurant kahapon, April 27.

LOVE LIFE. Hindi itinatago ng ni Arjo na may girlfriend siya—ang Girltrends member na si Sammie Rimando.

Pero hangga’t maaari raw, mas gusto pa rin niyang panatilihing pribado ang relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Arjo, “I’m not open [talking about it] but I’m open with the idea that everyone knows but talking about it.

“I wanna keep it to myself kasi kahit papaano, even if people knows, I wanna keep my privacy with Sammie.

“The only thing that I can tell you is that, I’m very, very happy.

“I’m more than happy right now and I’m enjoying my work, my family and everything else.

“I’m very blessed and thankful for everything.”

Unang showbiz girlfriend daw ni Arjo si Sammie. Binigyang diin din niyang muli na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Sue Ramirez.

“Sue and I are really, really good friends.

“I can’t explain po sa inyo how close we got po when we did Hanggang Saan.

“Unbelievable experience. Napakahusay na artista, wala akong masabi.”

BUCKET LIST. Dito nga naikuwento ni Arjo na isa na lang sa bucket list niya ang hindi pa niya nakakatrabaho.

Aniya, “There’s two girls in my bucket list.

“And that’s Sue and Julia Montes and I hope to work with Julia too, maybe in the future.

“So, when I learned that I’ll be working with Sue, I was really like more than excited.

“I was like, 'Oh my god!'”

Marami pang ibang aktres. Bakit sila lang dalawa ang nasa bucket list niyang makasama?

“We have our choices, we have our reasons.

“For me kasi, I also watch TV not only as an actor because I have no right to critic anyone.

“Siguro for me, my option lang is I want to work with them because when I see them on screen, nadadala nila ko, e.

“And that’s how I am as an actor.

“If you bring me to a certain level of emotion din, my god, I wanna work with you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “I find them as two of the most brilliant actresses in this generation. Sobrang galing.”

Kailan naman kaya niya makaka-trabaho si Julia?

“Hopefully in the future. Who knows? Maliit lang naman ang mundo ng showbiz.

“But if I’ll be given a chance to work with her, any role, kahit supporting,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN