Arnold Clavio reacts to Jiggy Manicad's departure from GMA News to pursue politics

IMAGE Noel Orsal

Umaasa si Arnold Clavio (kaliwa) na mas marami pang matutulungang tao si Jiggy Manicad (kanan) ngayong binabalak nitong pumalaot sa pulitika.


Nirerespeto ng batikang radio at TV broadcaster na si Arnold Clavio ang desisyon ng kapwa GMA News personality na si Jiggy Manicad na pansamantalang lisanin ang broadcasting para sumabak sa pulitika.

Kabilang si Jiggy sa listahan ng mga personalidad na posibleng tumakbong senador sa ilalim ng partidong PDP-Laban sa 2019 elections.


Stories We Are Tracking

GMA News anchor Jiggy Manicad to run for senator?
GMA News anchor Jiggy Manicad to run for senator?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arnold noong Biyernes, April 27, sinabi nitong umaasa siyang sa panibagong daan na tatakahin ni Jiggy ay mas marami pa itong matutulungang tao.

Ayon kay Arnold, na halos 30 taon na sa industriya ng pagbabalita, “Respeto. Desisyon niya kasi yun, e, nagulat din ako.

“And medyo nanghinayang kasi medyo parang Mike [Enriquez], ako, siya... parang ganun ang ini-expect ko na maging direksiyon namin.

“Pero kung mas makikita niyang mas makakatulong siya dun sa pinili niyang bagong bokasyon, rerespetuhin ko yung desisyon na yun.”

Ayon pa sa Saksi anchor, may advantage din ang pagkakaroon ng koneksiyon sa public servants sa bansa, lalo na't maraming mga lumalapit sa taga-media katulad niya na humihingi ng ayuda.

“Kasi marami namang galing sa media na baka mas may may hinahanap siyang mas makakabuti o mas makakatulong.

“Kaya lang, hindi ko lang alam kasi pinangalanan siya, e, [ng PDP-Laban], di ko lang alam kung senado siya o lokal, di ko lang alam sa mga plano niya.

“Siyempre, ang pray ko na sana malagpasan niya yung mga challenges niya and hope for the best.

"Kasi iba rin yung may kaibigan kang nakapuwesto, kasi may iba ring lumalapit sa amin, na masasakop ng komite [sa senado] kung mananalo siya, na mai-refer o mailapit sa kanya.

“Iba rin yung may kasama kang dating media na nasa politics.”

Samantala, wala raw alam si Arnold kung tuluyan na ring umalis sa GMA News si Mark Zambrano.

“Baka kasi ano yung kapatid niya sa kabila, di ko alam, e,” pagtukoy ni Arnold sa kapatid ni Mark na si Chiara Zambrano, na nasa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, masaya naman si Arnold, kasama sina Mike Enriquez, Ali Sotto, at Joel Reyes Zobel na number one ang kanilang mga programa sa DZBB, na napapanood din sa GMA News TV, sa kani-kanilang mga timeslot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN