Julie Anne San Jose admits she and rumored BF Benjamin Alves aren't "showy" with their relationship

IMAGE Noel Orsal

Julie Anne San Jose admits that she and rumored BF Benjamin Alves aren't showy about their relationship: "It doesn't really have to be, you know... showy sa social media. I'm not that kind of... well, we're not that kind of people. We understand also na hindi naman sa lahat ng oras kailangang ipakita sa mga tao. What matters is kung ano yung meron kayo."


Mas open na ngayon si Julie Anne San Jose sa kung anumang relasyon ang meron silan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

“I’m happy, I’m happy,” nakangiting pahayag ni Julie Anne sa ginanap na press conference ng bago niyang seryeng My Guitar Princess sa 17th floor ng GMA-7 noong April 26.

Matagal nang sinabi ni Benjamin na gusto niyang maisama si Julie Anne para maipasyal sa Guam.

Pero hindi pa raw siguro ngayon yun dahil pareho rin silang busy.

Paglinaw ni Julie Anne, “Sa ngayon po kasi, we’re focusing on work.

“If ever naman po, wala rin naman pong kaso.

“Ang problema lang po talaga ay time bilang pareho kaming busy.”

May nailalaan pa rin ba silang oras para sa isa’t isa?

“We see each other as much as we can.

“And we both understand naman if hindi kami available or hindi kami puwedeng magkita because we both have work, we’re both busy.

“But we’re okay. We’re good,” paninigurado niya.

UNDERSTANDING. Matagal-tagal na rin ang relasyon nilang dalawa ng Kapuso actor.

At para kay Julie Anne, ang malalim na pag-unawa raw talaga ang dahilan kung bakit nanatili silang matatag.

“Understanding, deep understanding,” lahad niya.

May mga conflicts din ba sila?

Lahad niya, “When it comes to relationships naman po, it’s not always rainbows and butterflies.

“So, as much as possible we really, really talk. Constant communication.”

Dugtong pa niya, “And for me naman po, wala rin naman pong problem na hindi napag-uusapan talaga.

“So, like what I said, as much as possible, we really talk about it.”

NOT THE SHOWY TYPES. Sabi namin kay Julie Anne, kung susuriin, sa mga babaeng na-link kay Benjamin, tila siya lang yung talagang inamin din nito at heto nga't nagtatagal sila.

Puwedeng sabihing “there’s something about Julie?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, you should probably ask him,” natawang sagot niya.

“But we’re just really thankful for what we have now. I’m happy.”

Hindi rin ba sila showy sa kung ano ang meron sila?

Ayon kay Julie Anne, “We have a mature conversation about it.

“We talked about it and as far as our careers are concerned, of course, I’m working with my soap and he’s working with his soap as well.

“I believe, he’s doing a book also.

“It doesn’t really have to be, you know... showy sa social media.

“I’m not that kind of... well, we’re not that kind of people.

“We understand also na hindi naman sa lahat ng oras kailangang ipakita sa mga tao.

“What matters is kung ano yung meron kayo.

“Hindi naman kasi kailangang i-broadcast.”

NOT WORIED ABOUT COMPETITION. Sa bago nga niyang morning serye na papalit sa Ang Forever Ko’y Ikaw, makakatapat ng bagong tambalan nila nina Kiko Estrada at Gil Cuerva ang seryeng masasabing subok na rin sa naturang time-slot.

May takot ba siya dahil dito?

“Wala naman po.

“We’re nervous but at the same time, we’re really, really excited.

“I think, it doesn’t really matter kung sa kabila or like dito.

“It’s all about creativity or kung ano ang approach namin sa story or sa character namin.

“It’s all that matters,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN