Is Paolo Ballesteros in a relationship with Sebastian Castro?

IMAGE Insagram / Rey Pumaloy / Noel Orsal

Paolo Ballesteros and Sebastian Castro were spotted together in La Union. However, they refused to answer when asked about the status of their relationship.


May romantic relationship bang namamagitan sa actor-TV host na si Paolo Ballesteros at sa model-actor na si Sebastian Castro?

Magkasamang dumating sina Paolo at Sebastian sa Rosario, La Union noong April 24, Martes.


Host si Paolo at ang kapwa niya Kapuso star na si Rhian Ramos sa coronation night ng Bb. Rosario La Union 2018.

Saksi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagsasama nina Paolo at Sebastian, mula sa accommodation sa Monte Del Rosario Resort hanggang sa mismong pageant night.

Matiyagang nagbantay si Sebastian kay Paolo hanggang sa huling oras ng beauty pageant.


Nakunan din sila ng mga larawan habang magkasama sa dinner.

Nagbiruan pa nga ang dalawa habang kumakain.

“Kiss mo nga ako,” narinig naming sabi ni Paolo kay Sebastian, na napangiti lang.


Nang hilingan ng PEP.ph si Paolo ng photo op nilang dalawa ni Sebastian, tumanggi ang Eat Bulaga! host.

Ganun din si Sebastian na napangiti lang at lumayo kay Paolo. 

Sa dressing room ng pageant, sinubukan naming alamin kay Sebastian ang estado ng relasyon nila ni Paolo, pero umiwas ito sa mga tanong.

"I know how media goes when they wanna know something," sabi niya.

Sabi pa ni Sebastian, kahit noon pa ay pribado na ang kanyang personal life. 

MY ROOT WORD. Samantala, sa Instagram account ni Sebastian noong Biyernes, April 27, nag-post siya ng larawan ng isang bouquet of flowers.

Kalakip nito ang isang card na may nakasulat na "Happy 2nd my root word, I Love You."

Base sa caption ng model-actor, ang mga bulaklak ay galing sa karelasyon niya ngayon bilang pag-alala sa kanilang monthsary.

Ito ang buong mensahe ni Sebastian sa caption: "this was a nice surprise to come home to.

"i don’t normally do monthsaries, but hey for you, i can make an exception.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"happy 2nd, root word."

Ang huling napabalitang karelasyon ni Paolo noong 2017 ay ang dancer na si Roland Ochoa Anog. 


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros on vacation with rumored boyfriend?
Paolo Ballesteros on vacation with rumored boyfriend?
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo Ballesteros and dancer boyfriend break up?
Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend
Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend
Paolo opens up about reported relationship with a dancer
Paolo opens up about reported relationship with a dancer

Nong nakaraang taon din nakipaghiwalay si Sebastian sa boyfriend niya of four years na si Ryan Chua, former reporter ng TV Patrol.


Stories We Are Tracking

Model-actor Sebastian Castro breaks up with boyfriend
Model-actor Sebastian Castro breaks up with boyfriend


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN