Jed Madela cries foul over "laos" tag in tabloid headline

IMAGE Courtesy: Jed Madela on Facebook

Hindi napigilan ni Jed Madela ang sariling punahin ang isang artikulo na tinagurian niyang "clickbait" dahil sa pagtawag sa kanyang "laos."


Inalmahan ng singer na si Jed Madela ang titulo ng isang artikulo sa tabloid kung saan tinawag siyang "laos."

Sa kolum ni Boy Abunda na "Showbiz News Now Na" sa Pilipino Star Ngayon, na lumabas noong Sabado, April 28, nakasulat dito ang tungkol sa depresyon at anxiety na kanyang naramdaman noon ng singer.

Bahagi ng pahayag ni Jed, “Na-limit ‘yung performances ko sa ASAP. So, I felt unwanted and insignificant kasi hindi na ako sikat or hindi na nila ako kailangan. It was the fans who really made me feel better.”

May titulo ang nasabing kolum na “Jed ramdam na ramdam na laos na.”

Kahapon, April 29, ibinahagi ni Jed ang nasabing artikulo sa kanyang Facebook account.

Sabi niya sa kanyang status: “I appreciate it when people write about me in the papers but come on, what’s with the titles and headlines??? #ClickBait.”

Ilang oras ang nakalipas, nag-post muli si Jed sa kanyang Facebook kung saan tinawag naman niyang a**h***s ang mga nagkomento nang negatibo sa nasabing artikulo.

Pahayag niya, “I know I shouldn’t be reading the negative comments on these articles written about me.

"One, they’re written by cowards hiding under dummy accounts.

"Two, they know nothing about me.

"Three, they’re shallow and baseless.

"Four, they’re frustrated people who can never be and will never be me.

"Four, they’re a**h***s."

Sinamahan pa niya ito ng hashtags na, "#MagsikapNaLangKayoParaMaySaysayBuhayNyo, #NakakapangitAngInggit, #ParatingNaAngKarma, #MagtanongKungDiNyoAlamAngNumberFour."


Stories We Are Tracking

Jed Madela overcomes depression:
Jed Madela overcomes depression: "I'm better now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN