Teresita Ssen Marquez hits back at basher who compared her beauty title to "Suffer Sireyna"

IMAGE Instagram (@teresitassen)

Reina Hispanoamerica 2017 Teresita Ssen Marquez to basher: "Sali ka sa pagent na to' then make sure manalo ka ah since 'no weight na pageant' so madali lang."


Sinagot ng actress-turned-beauty queen na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez ang isang netizen na minaliit ang napanalunan niyang international beauty title—ang Reina Hispanoamericana 2017.

Nitong weekend ay nag-post si Teresita ng kanyang larawan kasama ang iba pang beauty queens ng Miss World Philippines 2017: sina Laura Lehmann (Miss World Philippines 2017), Sophia Senoron (Miss Multinational Philippines 2017), at Cynthia Thomalla (Miss Eco Philippines 2017).

I am just so proud of my fellow MWP Queens!! You guys are Queenin’ it!????We all know that the journey is going to be hard but we also know nothing is impossible! GOD, GOALS, GRIND. ???? • minor pageant or major pageant whatever they want to call it.. If they only knew how hard it is. ang importante WE RAISED THE FILIPINO FLAG! we showed them who we really are sa INTERNATIONAL STAGE!???? • Congratulations Miss Eco International 2017-2018 @thia_thomalla ???? Top 40 and Winner of BEAUTY WITH A PURPOSE @iamlauralehmann ???? and Miss Multinational 2017-2018 @sophiasenoron ???? I LOVE YOU GIRLS! ang gagaling niyo ???? • we couldn’t have done this without our supporters salamat po sa lahat ng sumuporta sa lahat ng queens ng mwp 2017! to our sisters @zaracarbonell, @glyperez, our national director and general manager thank you @arnold_vegafria @bessiebesana for believing in us and for the people who gave us the right crowns, our 2017 mwp judges thank you! you knew what was fit for us. ? • and syempre ang mga mamas namin.. I just want to say thank you to our respective camps na talagang nag push at nag train saamin ?? KF for @sophiasenoron @thia_thomalla and @aces_and_queens for me and laura ? can’t believe were passing our mwp crowns on september na.. ?hay super proud talaga ako sa sisters ko! #MWP2017 @msworldphil #reinateresita

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Sa caption, isinulat ni Winwyn kung gaano siya ka-proud sa kanyang fellow beauty queens.

Katulad niya, nagwagi rin sa mga sinalihang international beauty pageants sina Sophia at Cynthia.

Si Laura naman ay nakaabot sa Top 40 ng Miss World.


Stories We Are Tracking

Philippines wins first-ever Miss Multinational pageant
Philippines wins first-ever Miss Multinational pageant
Cynthia Thomalla wins Miss Eco International 2018
Cynthia Thomalla wins Miss Eco International 2018
Laura Lehmann fails to make Miss World 2017 Top 15
Laura Lehmann fails to make Miss World 2017 Top 15

Pero isang netizen ang nagkomento at kinutya ang sinalihang beauty pageant ni Teresita.

Ikinumpara pa ng netizen ang pageant na sinalihan ni Teresita sa katuwaang gay pageant ng Eat Bulaga!, ang "Suffer Sireyna."

Hindi ito pinalampas ni Teresita.

Buwelta niya sa basher, "Sali ka sa pagent na to’ then make sure manalo ka ah since 'no weight na pageant' so madali lang. Oh! sabihan mo din mga latinas na sumali"

Kilala ang mga Latina beauty na competitive pagdating sa international beauty pageants.

Si Teresita ang kauna-unahang Pinay na sumali sa Reina Hispanoamericana, na ginanap noong December 2017.

Karamihan kasi ay mga Latina ang kasali sa beauty pageant na ito.

Pinalad si Teresita at siya ang nag-uwi ng korona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN