Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert; tearfully says, "I'm sorry, pagod po ako."

IMAGE Instagram @deniseochoa / Youtube I Stan Geronimo

Sarah Geronimo on struggles of being in showbiz: "I've been asking myself, 'Bakit I feel empty?' Hindi yung successful na shows or mga hits ang makakapagpakumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang tao, kundi yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago—perpekto ka man o hindi."


Naging emosyunal si Sarah Geronimo, 28, sa kanyang This 15 Me concert tour na ginanap sa Las Vegas, Nevada, noong April 29 (U.S. time).

Sa isang bahagi ng kanyang concert, naglabas ng saloobin ang Popstar Princess sa magkahalong hirap at saya ng buhay ng isang showbiz personality.

Base sa YouTube video, na may account name na I Stan Sarah Geronimo, aminado si Sarah na may mga pagkakataong pinanghihinaan siya ng loob.

“Eto na po pala yun. It hit me.

"Yung mga napapanood ko po sa videos ni MJ [Michael Jackson]. Yung sigawan at kantahan ng mga tao. Minsan may naluluha pa, gusto ka mahawakan lang.

“Grabe po. I realized na hindi po pala ako handa dun.

“Ginusto ko pong maibahagi yung talento ko, pero hindi po pala ako handa dun sa mga kasama ng hiningi ko.

“Lalo na po yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka.

“Mahirap po.”

Sa puntong ito, hindi napigilan ni Sarah na mapaluha dala marahil ng magkahalong pagod at madamdaming pagpapakatotoo sa sarili.

Lalo pa’t ang gabing iyon ay ika-apat na leg na ng kanyang This 15 Me concert tour sa U.S.

Paulit-ulit na hingi ng dispensa ni Sarah, “I’m sorry, pagod po ako...

“I’m so sorry. I hope na kayanin ko i-survive itong gabing ito because you paid…

"At gumastos po kayo na mabigyan ko kayo ng entertainment.

“I’m sorry.”

SARAH: "BAKIT I FEEL EMPTY?" Makalipas ang ilang segundo ay nagpatuloy si Sarah sa pagkukuwento ng pagkuwestiyon niya kung ano ang tunay na makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan.

“I’ve been asking myself bakit I feel empty.

“Hindi yung successful na shows or mga hits ang makakapagpakumpleto sa 'yo, ang makakapagpasaya sa 'yo bilang tao, kundi yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago—perpekto ka man o hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang sa naisaisip daw ni Sarah na sapat na ang gamitin ang talentong iniregalo sa kanya ng Diyos.

“At unti-unti kong hinahanap kung ano’ng gagawin ko para I will feel fulfilled.

"Hanap ako, hanap, hanap… until now pumapasok pa rin siya sa isip ko.

“And then, may nagsabi sa akin, ‘Huwag ka na maghanap, kasi ‘yan ang ibinigay na talento ng Diyos para sa ‘yo. So use it as a platform to honor His name, to glorify His name, and to become an inspiration to other people.”

Kasabay nito ay naluluhang nagpasalamat si Sarah sa masugid niyang mga tagasuporta sa loob ng 15 taon niya sa industriya.

“Kayo po na patuloy na naniniwala, 15 years…

“Maraming-maraming salamat po. Forever po akong magiging thankful sa inyo.

“Pasensiya na po, para po sa inyo...”

UNFINISHED NUMBER. Kasunod nito ay kumanta si Sarah ng “Forever Is Not Enough,” ang kanyang unang hit song mula sa debut album niyang Popstar: A Dream Come True. Ito ay na-release kasunod ng pagkapanalo niya sa Star For A Night noong 2002.

Ngunit kapansin-pansing hirap si Sarah na bumirit ng high notes ng kanta.

Halos maiyak pa siya sa pagnanais na ibigay ang kanyang best performance sa mga manonood.

Umabot sa puntong tumalikod si Sarah at tuluyang nag-walk out sa gitna ng kanyang production number.

Narito ang video ng madamdaming pagkanta ng Popstar Princess, base sa Youtube channel ni justvhic01:

Hindi malinaw kung ano ang sumunod na production number ni Sarah.

Base sa hiwalay na video na kumalat sa social media, pagkatapos ng concert ay muling umiyak si Sarah sa backstage at panay ang hingi ng dispensa sa halu-halong pinagdaanan niya noong gabing iyon.

Pero sa huli ay mainit na sinalubong si Sarah ng kanyang ina na si Divine Geronimo, mga taong bumubuo sa likod ng concert, at iba pang tagasuporta ng Popstar Princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiiyak na sabi ni Sarah, "Thank you po. Pasensiya na po..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN