Matteo Guidicelli posts message of support for Sarah Geronimo after her breakdown

IMAGE Instagram photo of Matteo Guidicelli

Matteo Guidicelli tells girlfriend Sarah Geronimo: "Keep walking, I'll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you."


Ilang oras pagkatapos mag-viral ang video ng breakdown ni Sarah Geronimo sa kanyang concert sa Las Vegas, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta ang kanyang nobyo na si Matteo Guidicelli.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes ng gabi, April 30, sinabi ng singer-actor, “Keep walking, i’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”

Kalakip ng post na ito ang dalawang larawan nina Matteo, 28, at Sarah, 29, na kuha mula sa bakasyon nila sa Palawan kamakailan.

Ang una ay habang naglalakad sila sa tabing-dagat at ang pangalawa ay habang masayang nag-uusap sa buhanginan na napapaligiram ng mga puno.

Naging laman ng balita ang biglaang pag-iyak ni Sarah sa kalagitnaan ng kanyang This 15 Me concert sa Las Vegas, Nevada nitong April 29 (U.S. time), habang inaalala ang kanyang mga pinagdaanan sa showbiz.

Ito ay dulot na rin marahil ng magkahalong pagod at madamdaming pagpapakatotoo sa sarili.

Ang nasabing concert ang ika-apat na leg na kanyang This 15 Me U.S. tour.

Tatlong shows ang ginawa niya sa California kasama sina Mark Bautista at Sam Concepcion.

Paulit-ulit na humingi ng paumanhin si Sarah sa nanood ng kanyang Las Vegas show.

Sabi ng popstar royalty, “I'm sorry, pagod po ako...

“I'm so sorry. I hope na kayanin ko i-survive itong gabing ito because you paid...

“At gumastos po kayo na mabigyan ko kayo ng entertainment.

“I'm sorry.”


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Kapansin-pansin namang magkahalong emosyunal at hirap si Sarah na abutin ang high notes ng hit song niya “Forever's Not Enough.”

Bagamat sinasabayan ng fans na kantahin ang isa sa mga nauna niyang naging sikat na kanta, na mula sa kanyang debut album na Popstar: A Dream Come True, hindi na rin tinapos ni Sarah ang performance at pumunta siya agad sa backstage.

Sa isa pang segment ng concert, muling humingi ng paumanhin si Sarah sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I feel really bad dahil minsan lang po ako pumunta dito, minsan lang kayong pumunta dito, magbayad para po panoorin ako, kami, para mag-perform.

“Sobra po akong nalulungkot na hindi po 100 percent [in] good shape ngayon ang boses ko.

“I'm very sorry. Maraming, maraming, maraming salamat po you stayed. Thank you very much po.”

Sa kabila ng mga ito, ayon sa mga nanonood, natapos ni Sarah nang maayos ang concert.

Samantala, patuloy ang paghingi ng paumanhin ni Sarah hanggang sa lobby ng venue, kung saan ilang fans ang nakaabang at yumakap sa kanya.

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sarah, “Thank you. Pasensiya na po. Sorry po.”

Pagkatapos ng Las Vegas show, tutungo naman si Sarah at ang kanyang grupo sa Chicago at New York para sa huling dalawang shows niya sa U.S.


Kasunod nito ay ang concert niya sa Davao sa June 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN