Kiko Estrada grieves for his Lola Nena who battled pancreatic cancer

IMAGE Courtesy of Rhea Santos / Noel Orsal

Kiko Estrada is grieving the loss of his Lola Nena, mother of actress Cheska Diaz and wife of the late Paquito Diaz, who battled advanced stage 4 pancreatic cancer.


Pumanaw na ang maternal grandmother ni Kiko Estrada na si Nena Gutierrez Diaz, ina ng kanyang mommy, ang aktres na si Cheska Diaz at asawa ng late character actor na si Paquito Diaz.

Ito ay dahil sa advanced stage four pancreatic cancer.

Kamakailan lang ay malungkot na ibinalita ni Kiko Estrada ang tungkol sa sakit ng kanyang lola.

“Si Lola Nena was just recently diagnosed with pancreatic cancer stage four, advanced,” lahad ni Kiko sa presscon ng My Guitar Princess noong April 26.

“It’s really been a tough couple of months,” naluluhang kuwento ni Kiko.

“Kasi sinabi ng mga doctor, from six months to three months and last week, just a month [left].”

Ngunit hindi na rin umabot sa taning na isang buwan ang kanyang lola, at binawian ito ng buhay noong Biyernes, Abril 27, isang araw matapos ang presscon.

Bago nito ay dalawang linggong na-confine sa UST Hospital si Lola Nena. 

Nagpapasalamat daw ang kanilang buong pamilya sa suporta at pagmamahal sa kanila ng mga kaibigan at kamag-anak.

Habang naka-confine sa ospital ang kanyang lola, nakatulong daw kay Kiko ang pagkakaroon ng show na My Guitar Princess, dahil kahit papaano ay may distraction siya na trabaho mula sa pag-iisip sa sakit ng lola niya.

Dagdag pa niya, “So this show has been a blessing kasi hindi ko iniisip yun, kasi may trabaho ako.

“Kasi pag mag-isa ako, ayun naiiisip ko, so I’m really blessed.”

Sobrang close daw si Kiko sa kanyang lola. Lumaki siya sa kanyang Lola Nena at Lolo Paquito.

Hinahati niya ang kanyang oras sa taping ng My Guitar Princess, sa shooting ng tatlong pelikula, kabilang na ang Walwal at My Stepmother’s Lover. 

Sa kabila nito ay hindi niya nakalimutang dumalaw sa lola niya sa ospital.

Sinabi rin ni Kiko na kahit daw mawalan siya ng career at trabaho, basta ang kapalit naman ay ang paggaling ng lola niya at paghaba pa ng buhay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sana yung success ko mabigay ko na lang ang buhay ng lola ko.”

Mas mahalaga raw ang buhay ng lola niya kaysa showbiz career niya.

Mahigit 70 years old ang Lola Nena ni Kiko.

LAST VISIT. Ibinahagi naman ni Kiko sa press ang isang madamdaming tagpo nang huli niyang binisita ang kanyang Lola Nena.

“What happened kasi [is] yung nangyari kay Lolo Paquito, alam mo yung hindi ka na niya ma-recognize?

“So, last time I visit, sinayaw ko siya.

“Umiyak ako, umiyak siya.

“'Tapos, sinabi niya, kasi iyon yung alok ni Lolo Paquito sa kanya—unang meet nila, niyaya, sinabi ni Lolo Paquito agad, 'Papakasalan kita!'

“So ako, sinayaw ko siya, umiyak siya.

“Sabi niya, 'I don’t know why I’m crying.'

“I was like, ‘Wait for me!’

“The next day she had a massive stroke in the right side of her brain.”

Hindi na raw nakakakilala ang lola ni Kiko.

“Sabi naman ng mommy ko, 'Buti na lang dumalaw ka na, ikaw yung na-recognize niya, natandaan ka pa niya.’

“Kasi ngayon, alam mo yung ambigat, yung mga doctors nagbibigay lang ng mga numbers, ‘Ganito, ganito na lang.’

“Ako, parang ang dali niyong sabihin pero, you know, pag ikaw ang dumaan sa ganyan, mahirap.

“Pero alam mo,  sabi niya gusto na niyang umuwi, gusto na niyang umuwi, gusto na niyang mag-Bingo!

“Gustung-gusto na niyang mag-Bingo, mag-Tong-its.”

Inilibing ang mga labi ni Lola Nena Diaz kahapon, Abril 30. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN