Sarah Geronimo receives heartwarming show of support from fellow celebs, fans

IMAGE Instagram photo of @sarahgeronimoshots

Fellow celebrities and fans flood social media with encouraging messages to show support for Sarah Geronimo, who broke down in tears during her This 15 Me concert in Las Vegas, Nevada.


Kasunod ng balitang pag-iyak ni Sarah Geronimo sa This 15 Me concert niya sa Las Vegas, Nevada, noong April 29 (U.S. time), agad na umulan ng mga mensahe ng pagsuporta para sa kanya sa social media.

Pinangunahan ito ng kanyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Nag-post ang aktor ng larawan nila ni Sarah sa Instagram at sinabing, “Keep walking, i’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”

Sa ngayon, ang post ni Matteo ay may mahigit 150,000 likes at mahigit 9,000 comments.

Ilan sa mga nag-comment ay celebrities na malapit sa magkasintahang sina Sarah at Matteo, gaya nina Erik Santos, Paolo Valenciano, Jed Madela, Nico Bolzico, Kaye Abad, Bianca Gonzalez, at Donna Cruz.

Hindi rin siyempre mawawala ang mensahe ng pagsuporta ng mga masugid na tagahanga ni Sarah.







Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown

TEAM SARAH. Samantala, ang dati niyang The Voice trainee at naging kaibigan na si Klarisse de Guzman ay agad na nagpaabot ng pagmamahal sa kanyang dating coach sa pamamagitan ng Twitter.

Gayundin ang kapwa singer na si Rhap Salazar.

Narito naman ang sabi ng The Voice Kids alumnus na si Kyle Echarri, na naging bahagi rin ng Team Sarah, “We Love You Ate-Coach Sarah! You are great with what you do and we are all so proud of you. Forever you will be our Popstar Royalty!

“We wish you real happiness. If you’ve found it, don’t let it go. We support you all the way coz we want you to be happy.”

Halos ganito rin ang naging mensahe ng mga kasama ni Sarah sa pagbuo ng kanyang 15th anniversary concert—ang direktor na si Paul Basinillo, ang writer ng Viva na si Rhadson Mendoza, at isa sa mga paboritong back-up dancer ni Sarah na si Gelai Aguzar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nadagdagan naman daw ang respeto ng aktor na si Marvin Agustin matapos niyang mapanood ang video ng pag-breakdown ni Sarah sa ika-apat na leg ng This 15 Me U.S. tour.

Aniya, “Lahat ng tao napapagod, ang importante ay binigay mo ang lahat mo hanggang sa puntong di mo na kaya. Mas nirespeto kita at ng lahat ng nga taong nagmamahal sa yo! Mabuhay ka Sarah!”

Halos ganito rin ang nasabi ng kasamahan ni Sarah sa ASAP na si Enchong Dee.

Ang self-confessed na Popster na si Kakai Bautista ay nagpaabot din ng pagmamahal sa kanyang iniidolong singer.

Narito naman ang ilang Twitter posts ng fans, na naging bahagi ng trending topic na “We love you Sarah G” sa Twitter kahapon, April 30:

Sa kabila ng pagiging emosyunal, maayos pa rin umanong natapos ni Sarah ang kanyang concert sa Las Vegas, Nevada.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN