Katrina Halili swears she has been single for six years: "Totoo! Mamatay!"

IMAGE Noel Orsal

Katrina Halili is single and loving it. The 32-year-old Kapuso actress, who has been loveless for six years now, plans to stay that way until she's 35.


Anim na taon na raw single at walang karelasyon ang Kapuso actress na si Katrina Halili.

Sa kabila nito, masaya naman daw siya sa kanyang career at sa piling ng kanyang five-year-old daughter na si Katy.

Si Katy ay anak ni Katrina sa dati niyang boyfriend na si Kris Lawrence.

“Happy ako sa life ko. May Katy naman kasi, trabaho, friends, family,” pahayag niya.

Kahit pilitin ng press si Katrina kung totoong wala siyang naging karelasyon for six years, consistent ang sagot nito.

“Totoo! Mamatay!” sabi pa niya. “O, may patay na usapan, so totoo!”

Siguro raw ay mananatili siyang single at walang karelasyon hanggang 35 years old siya. Sa ngayon ay 32 na ang single mom.

“O, may bilang!” natawang sabi niya.

Paliwanag ni Katrina, “Nag-e-enjoy kasi ako nang single.

“Ang aga ko kasing nag-boyfriend.

“Kaya yung six years ko ngayon na single ako, ang saya pala. Wala kang pinapaalaman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa taping ng afternoon series ng GMA-7 na The Stepdaughters sa isang subdivision sa Quezon City kamakailan.

NO REGRETS. Wala raw “regret” si Katrina na naghiwalay sila ni Kris Lawrence at lalo na hindi sila nagpakasal.

Katuwiran niya, “Oo naman, buti nga kasi maghihiwalay rin pala.

“Mahihirapan pa akong magpa-annul. Magbabayad pa ako.”

Kapag nagkaroon ulit siya ng boyfriend, ito na kaya ang pakakasalan niya?

“Siguro naman, ang tagal kong naghintay, 'tapos mag-dyowa lang ako, laro-laro, ano yun?”

Wala bang nag-a-attempt na manligaw sa kanya?

“Seryoso, wala talaga. Kasi hindi rin naman ako palalabas. Sa bahay lang ako.”

Hindi naman daw nalulungkot si Katrina na mag-isa.

“Hindi, hindi ko nga alam kung ano ang nangyari. Ako pa ba ‘to? Hindi ko na alam!” natatawang sabi niya.

Pero dugtong niya, “Kung merong dumating, why not? Kung may dumating.

“Pero kung thirty-five wala pa, teka. Siyempre, ayoko namang maging tumandang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko pang mag-baby.”

HONOR THY MOTHER AND FATHER. Ang anak niyang si Katy, nasa edad na ba na nagtatanong na, lalo na sa set-up nila ng daddy nito?

Ayon kay Katrina, “Hindi, kasi sanay rin naman kasi siya na ever since dumadalaw-dalaw lang ang daddy niya.”

Diretsahan namang tinanong si Katrina kung hindi nito sinisiraan ang ex-boyfriend sa anak.

“Hindi! Huwag,” sambit niya.

Wala naman siyang mga hugot, lalo na kung hindi nadadalaw ni Kris si Katy?

“Hindi, wala, bawal!” natawang sabi niya.

“Kasi, di ba, nasa Bible ‘yan. Honor your mother and father.

“Paano niya io-honor kung sisiraan ko ang tatay niya?

“Kailangan maganda lang.”

Maayos naman daw ang pakikitungo nila ni Kris sa isa't isa, lalo na pagdating kay Katy. Katulad na lang ng events sa school ng bata.

Kuwento ni Katrina, “May isang beses magkasama kami.

“Kapag free ako, pumupunta ko. Kapag hindi ako free, tatawagan ko siya.

“Kapag free kaming dalawa, pumupunta kami.

“Kaya kung makikita niyo kami minsan na magkasama kami, baka may school activities or kasama namin si Katy. Basta tungkol kay Katy.”

Dagdag niya, “Minsan diet, nagsi-share siya. Nagkukuwento siya.

“Ganun na kami, sobrang friends na kami.”

Maayos din daw ang relasyon niya kahit sa mga magulang ni Kris.

Nakakausap din daw sila ni Katy sa pamamagitan ng Facetime dahil nasa ibang bansa ang mga ito.

“Mabait sila, nagpapadala rin sila madalas ng mga damit, gamit, ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN