Juancho Trivino admits, "Yeah, Maine is special."

IMAGE Instagram

Juancho Trivino on his closeness with Maine Mendoza: "Bahala na kung ano ang isipin ng mga tao, but... we would like to keep our friendship very private."


Kahit medyo atubili ang Kapuso actor na si Juancho Trivino na pag-usapan ang tungkol kay Maine Mendoza, hindi pa rin nito naiwasang sagutin ang ilang katanungan tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan.

Kumusta ang pagkakaibigan nila ni Maine ngayon?

Maikling sagot niya, “Okey naman.”

Ito ba yung klaseng friendship na puwedeng pang-forever?

Matipid pa ring sagot ni Juancho, “Something like that.”

Sa parte niya, kumusta si Maine bilang babae at bilang tao?

Aniya, “Ah, masayang kasama.

“Normal lang naman, normal lang naman na friendship.

“Wala namang... wala namang...”

Hindi matapus-tapos ang usap-usapang more than friendship na ang namamagitan sa kanila ng ka-love team ni Alden Richards.

Diretsahang sagot naman ng Kapuso actor, “Bahala na kung ano ang isipin ng mga tao, but me naman and Maine, we would like to keep our friendship very private talaga.

“Siyempre, hindi maiiwasan na gumagawa ng tsismis yung ibang tao, we’re just letting it be.”

Sa puntong ito ay inalam namin sa kanya kung si Maine ba ay isang potential girlfriend.

Sagot naman niya, “I would not know, hindi ko alam.”

Ngunit dugtong niya, “Yeah, Maine is special.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa Kapuso Night ng GMA Regional–Dagupan, kung saan naroon ang buong cast ng upcoming show na Inday Will Always Love You para sa ongoing Bangus Festival sa nasabing bayan sa Pangasinan.

Kasama ni Juancho ang iba pang miyembro ng cast tulad nina Barbie Fortaleza, Derrick Monasterio, at Kim Rodriguez.

PROUD OF NEW SHOW. Samantala, ipinagmamalaki ni Juancho ang seryeng Inday Will Always Love you, na kinunan pa sa Cebu at Bantayan Island.

Sineseryoso raw ni Juancho ang kanyang trabaho kahit pa isa itong rom-com.

Aniya, “Kung petiks kasi ang gawa mo, petiks din ang kalalabasan.

“Kumbaga, dapat ay mag-effort din talaga.

“At saka, mahirap din talagang mag-stay sa romcom sa isang teleserye, pero mahirap ding magpatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka dito, nung mag-taping kami sa Cebu, yung other [members] of the cast also, yung mga role ay mga Cebuano rin talaga.

“Sa kanila kami nagtatanong kung paano sabihin [yung line in Cebuano dialect].

“Okey naman, masaya naman. Actually nami-miss na nga namin yung mga pinuntahan naming lugar.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN