Diego Loyzaga tells netizens to quit linking him to Sofia Andres: "She has a boyfriend."

IMAGE Instagram

Diego Loyzaga irked by netizens linking him to Sofia Andres (right): "Quit commenting her name on my IG. We both have separate lives."


Ibinunyag ni Diego Loyzaga na may ibang karelasyon ang dating ka-love team at rumored girlfriend niyang si Sofia Andres.

Ito ay matapos umani ng pambabatikos mula sa ilang netizens ang litrato ni Diego kasama ang non-showbiz friend niyang nagngangalang Chelsea.

Ibinahagi ni Diego ang larawan nila ni Chelsea sa kanyang Instagram account kahapon, April 30.

Since ‘11.

A post shared by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Sa comments section ng kanyang post, isa-isang sinagot ni Diego ang pagpuna ng netizens kung bakit siya nagpakuha ng larawan sa ibang babae gayong pinaniniwalaang magkarelasyon sila ni Sofia.

Ngunit nilinaw ni Diego na wala silang anumang ugnayan ni Sofia.

Sabi ng binata, “Sofia has a boyfriend. Want me to tag him?”



Pinabulaanan din ni Diego na mayroon siyang hinanakit kay Sofia. 

Ito ay matapos kuwestiyunin ng ilang netizens ang intensiyon ni Diego sa pagbuking sa diumano'y pakikipagrelasyon ng aktres sa isang di pinangalanang lalaki.

Ayon kay Diego, “nope. Im happy for her. And no. We’re not a loveteam.”



REAL SCORE WITH CHELSEA. Nilinaw ni Diego na single siya sa ngayon.

Wala raw malisya ang ibinahagi niyang larawan kasama ang kaibigang si Chelsea.





RIFT WITH SOFIA? Huling nagkatrabaho sina Diego at Sofia sa ABS-CBN prime time series na Pusong Ligaw, na umere mula April 24, 2017 hanggang January 12, 2018.

Noong kasagsagan ng teleserye, naging usap-usapan ang tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan na diumano'y nauwi sa hiwalayan.

Ito ay sa kabila ng hindi naman talaga sila direktang umamin na naging sila. 

Sa kani-kanilang panayam noon, nanindigan sina Diego at Sofia na magkaibigan lang sila.  

Sa kasalukuyan, tila nairita na si Diego sa pamimilit ng ilang netizens na maugnay siya kay Sofia.

Ayaw na raw ni Diego na mabanggit man lang si Sofia sa kanyang Instagram feed.

Sagot ni @diegoloyzaga sa netizen, "@yangmontes dam how many times do i have to say this. Sofia has a boyfriend.

"Quit commenting her name on my Ig. We both have separate lives."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ON SOFIA VS. CHELSEA ISSUE. Hindi rin nagustuhan ni Diego ang ilang netizens na nagsasabihing di hamak na mas maganda si Sofia sa non-showbiz friend ng binata na si Chelsea.

Sabi ng netizen na may Instagram handle na @wildandfreeeeee87, "anong laban ni girl kay @iamsofiandres boobs? ass? HsHAHAHHA still, sofia."

Buwelta ni Diego, "@wildandfreeeeee87 youre literally the kind of person the world doesnt need. Comparing and judging a woman by her body type.

"Srsly buddy, youre a disgrace to humanity. Take ur fake account. You disrespectful comments and phone and flush it down a toilet"



"RUDE AND MAYABANG" ATTITUDE? Umabot sa puntong may ilang netizens ang pumuna sa diumano’y “rude” at “mayabang” na paraan ng pagsagot ni Diego sa kanyang Instagram followers.

Depensa ni Diego, “Samantalang this is my account and others are judging me, yet im the one whos rude? Sooo ano? Sino talaga yung rude?

"How bout i go comment stuff on ur account judging on what i find proper and improper? I bet you wouldn’t like that.”




Inalmahan din ni Diego ang patutsada ng isang netizen na naghalintulad sa kanya sa pagiging "hambog" umano ng ama niyang si Cesar Montano.




"TRIGGERED" BY KNOW-IT-ALLS. Marami man ang nagtaka sa pakikipagsagutan ni Diego sa ilang netizens, nilinaw ng binata na “triggered” siya sa netizens na todo kung makapuntirya kahit na walang basehan.

Sagot ni Diego sa isang kaibigan, “Na 3guard ako eh tol. Sometimes u gotta speak up. Choose your battles. This is worth arguing about.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN