Matteo Guidicelli gives update about girlfriend Sarah Geronimo after her meltdown

IMAGE Ryan Ong via Instagram @isgfan

Matteo Guidicelli says girlfriend Sarah Geronimo's breakdown moment at Las Vegas concert has nothing to do with her "I feel empty" speech in one of her segments. "She was just tired. You know, when we're tired, our consciousness opens 10 times and everything, and becomes more sensitive," says Matteo.


Matinding pagod lamang ang dahilan ng pagiging emosyunal ni Sarah Geronimo sa This 15 Me concert niya sa Las Vegas, Nevada.

Ito ay ayon mismo sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Nakapanayam ng ilang entertainment reporters at bloggers si Matteo sa digital conference ng pelikula nila ni Shaina Magdayao, ang Single/Single, kahapon, May 1.

Dito, sinabi niyang maayos na ang lagay ng kanyang longtime girlfriend, na bigla na lamang naluha sa gitna ng concert niya noong April 29 (U.S.) time.

“Everything's fine,” sabi ni Matteo.

Nilinaw rin niyang dulot lamang ito ng matinding pagod mula sa magkakasunod na schedule ng This 15 Me U.S. tour.

Ayon sa Bagani actor, “Tuluy-tuloy kasi yung tour niya in America.

“Tuluy-tuloy yung tour niya. She came from another state to Las Vegas, walang tulog, and did a show.

“You know, [This 15 Me] show is a jam-packed show from the start, the beginning.

“She just got very emotional. But she's fine. Everything is good.”

Binasag din ni Matteo ang espekulasyong ang pag-iyak ni Sarah ay maaaring konektado sa segment ng concert kung saan ikinuwento ng Popstar Princess ang kanyang pinagdaanan sa showbiz at ang umano'y pakiramdam niya na parang tila may kulang.

Diin ni Matteo, “She was just tired. You know, when we're tired, our consciousness opens 10 times and everything, and becomes more sensitive.

“But, you know, everything's fine.”


Stories We Are Tracking

Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown

SARAH'S MELTDOWN. Base sa ilang videos na na-upload mula sa naturang concert, naging emosyunal si Sarah dahil sa palagay niya ay hindi niya mabibigyan ng magandang show ang mga nagtungo sa Las Vegas para manood ng kanyang concert.

Sa katunayan, ilang ulit siyang humingi ng paumanhin sa mga nanood.

Aniya, ““I'm sorry, pagod po ako...

“I'm so sorry. I hope na kayanin ko i-survive itong gabing ito because you paid...

“At gumastos po kayo na mabigyan ko kayo ng entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm sorry.”

Sabi pa ni Sarah sa bandang huling bahagi ng concert, “Sobra po akong nalulungkot na hindi po 100 percent [in] good shape ngayon ang boses ko.

“I'm very sorry. Maraming, maraming, maraming salamat po you stayed. Thank you very much po.”


Stories We Are Tracking

Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans

Samantala, tila bahagyang naka-recover na si Sarah sa mga pangyayari. Humarap na siya sa ilang fans, kasama sina Mark Bautista at Sam Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN