Moira dela Torre turns pregnancy rumor into a joke: "Chubbs lang po me."

IMAGE Twitter post of Moira dela Torre

Moira dela Torre on pregnancy rumor: "Buntis agad wala pa ngang kiss!!!"


Napagamit na lang ng face palm emoji si Moira dela Torre nang mabasa niya ang isang writeup na diumano'y mukha siyang buntis sa engagement photos niya at ng fiancé niyang si Jason Hernandez.

Sa kanyang Twitter account kagabi, May 1, ibinahagi ng “Malaya” singer ang isang tabloid story tungkol sa kanyang engagement, na inanunsiyo sa publiko noong Linggo, April 29, sa pamamagitang ng pag-release ng music video ng bago niyang kantang “Tagpuan.”


Stories We Are Tracking

Moira dela Torre is engaged to Jason Marvin Hernandez
Moira dela Torre is engaged to Jason Marvin Hernandez
Moira dela Torre shares love story with BF Jason Marvin
Moira dela Torre shares love story with BF Jason Marvin

Sa isang bahagi ng istorya, na kanyang binilugan, nakasulat ang diumano'y negatibong reaksiyon ng ilang netizens:

“Pero inintriga ang photo ni Moira ng mga netizen. Mukha raw itong buntis sa nasabing larawan.

“Ipinagtanggol naman si Moira, 'Panira talaga mga taong katulad mo. Di ba pwedeng maging engaged ang hindi buntis? Pagiging buntis lang ba ang reason ng pagpapakasal?

“'Pwede bang love na lang & wag munang nega.'”

Natatawang reaksiyon naman dito ni Moira, “Buntis agad wala pa ngang kiss!!!”

May pabirong hirit pa siya sa kanyang fiancé, “Mas mukhang buntis si @jasonmarvinph”

Sa ibabang bahagi ng screenshot, sinabi rin ng 24-year-old singer, “Sige na nga magddiet na ako.”

Samantala, sa caption naman ng kanyang tweet, nilinaw ni Moira na, “Chubbs lang po me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN