Kim Chiu is "guwapa," says President Duterte

IMAGE Courtesy: @chinitaprincess on Instagram

"One for the books," kung ituring ni Kim Chiu ang paghu-host niya sa isang event sa Cebu City noong Labor Day, May 1, kung saan nakilala niya nang personal si Pangulong Rodrigo Duterte. 


Na-starstruck si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kapamilya star na si Kim Chiu.

Sa isang Labor Day event sa Cebu City kahapon, May 1, naging host si Kim sa pagtitipon kasama ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Si Pangulong Duterte ang panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon.

Sa gitna ng kanyang talumpati tungkol sa Executive Order 51 na nagpapatigil ng contractual employment o ‘Endo’ (end of contract), biglang napatigil ang Presidente at tinanong kung si Kim ba ang host ng programa.  

Pahayag ng Pangulo, sa salitang Bisaya, “Pero siya man na, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma'am? Di, niingon ko ‘guwapa ka.’ Asa nga ko?” (Siya ba 'yan, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma'am? So, sabi ko ‘ang ganda mo.’ Asan na nga ako?)

Matapos ang programa, ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng Pangulo at ang kanyang naramdaman nang nakaharap niya ito.

Mensahe ni Kim, “What a great experience!!!!? Just finished hosting an event for labor day here in my home town CEBU and in the presence of the President of the Philippines, Pres. Rodrigo Duterte!!!

“Ang galing!! Never thought of this moment!!! Kulba jud pero lingaw kaayo ug feeling! (Kinabahan talaga ako ngunit masaya ang aking pakiramdam.)

“Thanks @akosimangtomas for being a great co-host bisaya/waray represent!

“May 1, 2018 this experience will definitely one for the books!!! Daghang salamat!!!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN