Vice Ganda admits battling depression: "Ang dami kong pera, ba't hindi ako masaya?"

IMAGE Facebook (Vice Ganda)

Vice Ganda on cause of his depression: "Pinaglaruan lang talaga ako ng devil para hindi ko makita yung happiness sa puso ko." 


Ayon kay Vice Ganda, nakaka-relate siya kay Sarah Geronimo, na umaming nakakaramdam ng pagod at emptiness sa kabila ng katanyagan.

Sa kanyang This I5 Me concert sa Las Vegas, Nevada, noong April 29 (US time), nag-open up si Sarah at inaming nakakaramdam siya ng pagiging "empty."


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Pahayag ni Vice sa interview sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe, “I actually experienced the same thing recently.

"Na-depressed ako. I underwent depression."

Dugtong ng It’s Showtime host, kumonsulta siya sa doktor at humingi ng professional help.

“Hindi ako nakakatulog, nagkakaroon ako ng anxiety attack, may mga atake sa akin na nahihirapan akong magtrabaho.”

Naisip din daw ni Vice na magpahinga muna sa showbiz.

“Nagpaalam nga ako sa management.

"Tinanong ko kung puwede bang hindi na ako mag-filmfest, puwede bang magbawas ako ng show.

"Naging ganun ako."

CAUSE OF DEPRESSION. Nakapag-isip-isip daw si Vice pagkatapos niyang makausap ang showbiz couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Kuwento ng box-office star, “Nag-usap kami, nag-share ako sa kanila… as in ang dami kong narinig sa kanila.

"Ang pinakamagandang natutunan ko, yung sinabing, 'The mind is the playground of the devil.'"

Bilang artista, malaki raw ang blessings na naibibigay sa kanila, pero may kaakibat daw itong malaking obligasyon.

Saad ni Vice, “Kasi lahat tayo may purpose, e.

“E, yung devil, pinaglalaruan yung utak namin para hindi namin ma-serve yung purpose namin.

“Feeling ko, ang devil, pinaglaruan yung utak ko para malungkot ako at hindi ako makapagpatawa.

"Para isipin kong pagod na ako at umayaw na ako, para isipin kong hindi ako blessed at hindi ako masaya, para malungkot ako.

"When, in fact, I felt I am so blessed.

“I am so happy pala. Hindi ko lang 'to napapansin…

“The devil’s playing around with our mind para hindi natin ma-serve yung purpose natin, e, ang ganda-ganda ng purpose.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang nagbunsod kay Vice na ayusin ang kanyang mindset.

“Every day, naka-mindset ako, I have to be happy.

"I embrace my happiness and my blessings, and I have to serve my purpose every day."

REST IS IMPORTANT. Binanggit din ni Vice na importante ang pahinga.

“Hindi puwedeng masaya ka lang. Kailangan nakakapagpahinga ka rin.

"Pero mahalaga yung mindset na piliin mo yung masaya.

“Kailangan labanan mo talaga yung kalungkutan.

“Isipin mo kung ano yung nagpapasaya sa ‘yo.

"Kasi iniisip ko yun, e. I thought I felt I was empty."

Sabi pa raw ni Vice sa sarili, "Ba’t ganun, andami kong pera, blockbuster mga pelikula ko, hit ang mga shows ko… ba’t hindi ako masaya?

"Nandiyan naman ang pamilya ko. Ba’t hindi ako masaya?"

Pero napagtanto raw niyang, “Masaya naman pala ako.

“Pinaglaruan lang talaga ako ng devil para hindi ko makita yung happiness sa puso ko at makita ko lang yung inaakala kong lungkot na meron ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN