Sarah Geronimo gets message of support from Matteo Guidicelli's sister; Mark Bautista gives update on NY trip

IMAGE Courtesy: @giorgiafguidicelli / @iammarkbautista on Instagram

Mukhang nakabawi na ng pahinga ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo dahil maganda na ang ngiti nito sa mini-reunion nila nina Mark Bautista at Aiza Marquez sa New York (kanang larawan). Nagpaabot naman ng mensahe ang kapatid ni Matteo Guidicelli na si Giorgia (kaliwa) para kay Sarah.


Patuloy ang pagbuhos ng mensahe sa social media, mula sa ordinaryong netizens at maging kapwa celebrities, para sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ito ay matapos mag-viral ang video ng breakdown ni Sarah sa Las Vegas concert niya noong April 29 (US time). 


Stories We Are Tracking

Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Kinilig naman ang marami at lalong humanga sa boyfriend ni Sarah of four years na si Matteo Guidicelli sa message of support nito sa nobya, na ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account.


Stories We Are Tracking

Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown

Ngayong Huwebes, May 3, ang kapatid naman ni Matteo na si Giorgia Guidicelli ang nagpaabot ng suporta kay Sarah.

Sabi ni Giorgia sa kanyang mensahe sa Instagram: “Excited for all the adventures. There’s so much to look forward to, manang ko!!!”

Excited for all the adventures. There’s so much to look forward to, manang ko!!

A post shared by Giorgia Guidicelli (@giorgiafguidicelli) on

Ang salitang "manang” ay nangangahulugang ate sa Cebuano dialect.

Cebu-based si Giorgia, at ang pamilya ni Matteo na may negosyo sa nasabing lungsod.

SARAH: THE TEEN PRINCESS REUNION. Samantala, nasa New York na ngayon si Sarah para sa last leg ng This I5 Me US Tour, na gaganapin sa Linggo, May 6.

Sa kanyang IG Story, sinabi ng guest ni Sarah sa show na si Mark Bautista na ang pamamasyal ng Popstar Princess sa nasabing siyudad ay meet and greet na rin para sa mga tagahanga nito.


Sa Instagram post ni Mark ngayon ding araw, makikitang nagkaroon pa sila ng mini-reunion nina Sarah at Aiza Marquez, kasamahan nila sa dating ABS-CBN teleserye na Sarah: The Teen Princess (March-October 2004).

Sabi ni Mark sa caption, “Sarah the Teen Princess reunion!!! Baste-Jasmine and Sarah love triangle.

“Sarah’s frequent line in the show was 'Hi im Sarah Alagao taga New York pero Cubao!!'

"Cut to Now: Nasa New york na si Sarah! #walalang #naalalalangNamin Nice seeing you again  @zingmb.”

Maaninag naman sa mukha ni Sarah na nakapagpahinga na ito mula sa pagod na kanyang dinanas dahil sa sunud-sunod na konsiyerto sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN