Michael V. tells netizen who criticizes his jokes: "Kasama ka sa nagpapayaman sa 'kin."

IMAGE Instagram photo of Michael V.

Michael V. on lasting career in showbiz: "Trust me, hindi tatagal ng more than 20 years sa industriya yung mga walang talent."


Pang-baduy at matatanda nga lang ba ang humor ng veteran comedian na si Michael V.?

Sa kanyang Instagram video, ginamit ni Michael V., o Bitoy, ang pangalan ng isang chocolate brand sa New Zealand sa isa niyang joke.

Benta sa karamihan ang joke ni Bitoy, base na rin sa reaksiyon ng kanyang followers.

“Whittaker’s”!!! #BitoyStory Courtesy of @iyavillania ????

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

Ngunit may isang netizen ang tila hindi natuwa sa joke niyang ito, na binigyang-pansin naman ni Bitoy.

Sa comment, sinabi ni Instagram user @bathingbabe, “Constructive criticism, yung jokes mo patok na lang sa mga matatanda at baduy na tao.”

Sagot sa kanya ng Pepito Manaloto star, “Aww... thanks! I saw your profile, hindi ka matanda.

"I thank God sa pagbisita ng mga taong kagaya mo... 'yung ipinagmamalaki ang pagiging BADUY nila.

“Expect more jokes for people like you. Kasama ka sa nagpapayaman sa 'kin.”

Kasunod nito, tinanong ni Bitoy ang naturang netizen: “Antagal mo sumagot? Natawa ka 'no?”


Pagkatapos nito ay seryoso nang sinabi ni Bitoy sa netizen, “Trust me, hindi tatagal ng more than 20 years sa industriya yung mga walang talent.

"You're welcome to take a shot if you want to prove me wrong. I'll see you in 20!"


Sa kasalukuyan, burado na ang thread sa comment na ito.

Ganunpaman, patuloy na nadadagdagan ang likes at comments sa post ni Bitoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN