Jake Zyrus sympathizes with Sarah Geronimo after her meltdown: "Napakahirap talaga."

IMAGE Noel Orsal (left)/IG:@sarahgeronimoshots (right)

Jake Zyrus says fans should understand when their favorite singer suddenly cancel concert tours due to exhaustion, "Yun ang kailangang intindihin kaysa naman talagang mapagod isang singer... napakahirap, napakahirap talaga."


“Normal lang po yun.”

Ito ang sinabi ni Jake Zyrus tungkol sa naranasang meltdown ng kapwa niya singer na si Sarah Geronimo sa This 15 Me concert ng huli sa Las Vegas, Nevada, noong nakaraang linggo.

Sa mga nakasubaybay sa singing career ni Jake—na kilala noon bilang Charice Pempengco—minsan din naging sobrang abala ang singer sa kabi-kabilang gigs sa loob at labas ng bansa.

Kaya sa press conference para sa 26th birthday at 10th anniversary concert niyang Music and Me, na ginanap ngayong Huwebes, May 3, hiningi ang opinyon ni Jake tungkol sa nangyari kay Sarah.

Tugon dito ng trans-man singer, “Mahirap yung [magbigay ng opinyon] kasi hindi ko alam ang pinagdadaanan niya.

“Napanood ko po yung video, pero ang maio-offer ko lang ay understanding.”


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans

BEING EMOTIONAL. Pagdating naman sa kanyang sariling karanasan, nakaka-relate daw si Jake sa pagiging emosyunal dulot ng matinding pagod sa sunud-sunod na shows.

Aniya, “I've been there, yung talagang emotionally and physically pagod ka talaga, mahirap talaga.

“Hindi pa naman po ako naka-experience na mag-walkout.”

Ang tinutukoy ni Jake ay ang biglang pag-alis ni Sarah sa stage nang hindi na niya mapigilan ang pagiging emosyunal habang pinipilit abutin ang high notes ng hit song niyang "Forever's Not Enough."

Patuloy ni Jake, “Pero ako, sa totoo lang, for example kung talagang alam kong physically and emotionally hindi ko kaya, knowing myself, maaari siyang mangyari.

“But not intentionally mong gagawin yun.

“Mangyayari lang yun kung talagang puno na.

“Kumbaga, you know to yourself na puno na, exhausted ka na.”

CANCELLING SHOWS. Pagkatapos nito ay ibinigay ni Jake na halimbawa ang ilang international singers na napilitang i-cancel ang concert tour abroad dahil hindi na kaya ng kanilang boses.

“Minsan, di ba, like sina Celine Dion, Mariah Carey... sometimes they cancel shows kapag hindi nila kaya.”

Ang mga sitwasyong tulad daw nito ang nangangailangan ng pang-unawa ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Jake, “Yun ang kailangang intindihin ng mga fans dahil ako, fan din ako.

“Yun ang kailangang intindihin, kaysa naman talagang mapagod ang isang singer... napakahirap, napakahirap talaga.

“Kung talagang alam ng isang singer na hindi mo kaya, it's okay.

“I guess, in the future, ang daming matututunan na kapag hindi mo kaya, mas better na i-move mo o mas better na i-cancel mo kaysa mapupuno yung heart and mind mo na mapapagod pareho.

“Naiintindihan ko po yung part na yun.”

Dagdag pa niya, “I'm sure someday, yung moment na yun, halimbawa, hindi mo maisip na mag-cancel ka or anything, you're trying to prove something, darating din sa point na 'yon na normal siya.

"Normal lang po yun."

Jake Zyrus, may pakiusap sa fans ng mga singer.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

UPDATE ON SARAH. Samantala, mapapansing tila naka-recover na nang bahagya si Sarah, base sa mga recent upload sa social media.

Ayon sa kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli, sobrang pagod lang talaga ang sanhi ng pagiging emosyunal ni Sarah.


Stories We Are Tracking

Matteo Guidicelli assures girlfriend Sarah Geronimo is fine
Matteo Guidicelli assures girlfriend Sarah Geronimo is fine
Sarah Geronimo gets message of support from Matteo's sister
Sarah Geronimo gets message of support from Matteo's sister


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN