Jameson Blake admits misunderstanding with director Jun Lana: "It's my fault."

IMAGE Noel Orsal

Hindi man pinangalanan ni Direk Jun Lana ang pinasasaringan niya sa kanyang Instagram post noong April 26, si Jameson Blake na mismo ang umaming siya ang pinatatamaan ng award-winning writer-director.


Inamin ni Jameson Blake na siya ang pinariringgan ng direktor na si Jun Lana sa Instagram post nito noong April 26.

Sa kanyang post, tahasang sinabi ni Direk Jun na may ilang managers, handlers, at artista na ang turing sa paggawa ng pelikula ay "raket lang" dahil nagmamadali ang mga itong pakawalan ng produksiyon sa set ang kanilang alaga.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit may mga pelikulang hindi maganda ang kinalalabasan dahil minamadali ang paggawa nito, alinsunod na rin sa schedule ng artista.

Malinaw raw na ito na ang kalakaran sa showbiz ngayon.


Stories We Are Tracking

Jun Lana dismayed by stars who treat films as
Jun Lana dismayed by stars who treat films as "raket lang"

Paliwanag naman ni Jameson, nagkataon lang na noong huli nilang shooting ng pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi, kung saan si Jun ang direktor, ay may maaga siyang call time kinabukasan.

Matagal na raw na-book ang nasabing raket kaya kailangan niyang tuparin ang kontratang napirmahan.

Saad ng 20-year-old Filipino-American actor, “Well, kasi that [time], I had a show the next day.

"So we just talked about if I was able to leave early…

"But then, we understand kay Direk Jun, his side as a director… of course, he wants his movie to be perfect.

“Siguro there was just, like, at that moment, misunderstanding lang.

"Like, for me, hindi naman ako actor na full time, e.

"My job as a Hashtag [Hashtags member], may mga raket din kami, so ayun lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Jameson sa grand presscon ng upcoming movie ng Regal Entertainment, Inc. na So Connected ngayong Huwebes ng gabi, May 3.

Ginanap ang presscon sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Kasamang humarap ni Jameson sa press ang co-stars nitong sina Janella Salvador, Paulo Angeles, VJ Mendoza, Chai Fonacier, Cherise Castro, Kystal Brimmer, at ang direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa May 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SCHEDULING PROBLEMS. Nag-sorry ba siya kay Direk Jun dahil sa pangyayari? Okay na ba sila?

Tugon ni Jameson, “Di naman. Actually, we didn’t really talk about it. He didn’t really pinpoint any name.

“Siguro he understands naman na minsan…

"It’s really my fault kasi hindi ko hawak ang schedule ko and everything.

“Kahapon, nag-shoot na kami, and wala naman.

“Kahapon nag-shoot kami, parang wala lang… we didn’t really talk about it.”

Sa tingin ba niya, nasaktan si Direk Jun sa kanyang nagawa?

Pag-amin ng Kapamilya actor, “Siguro, kasi I should be there for the movie, and he wants his movie to be very nice.

"So, of course, I understand that."

Sa mga susunod ba nilang shooting ay may balak siyang kausapin ang direktor upang humingi ng dispensa?

“Well, I don’t know if I would like to talk it with him, kasi parang he just posted about it.

"'Tapos, we will discuss as time passes by, kasi he really didn’t talk to me about it, e.

"Just leave it there na lang."

Aminado si Jameson na scheduling ang naging problema kung kaya’t may mga oras na nagkakapatung-patong ang kanyang trabaho.

Aniya, “Siguro sa schedule lang… sana konting consideration lang.”

Kinukonsulta ba siya ng talent management sa kanyang schedule at may say ba siya rito?

Sagot ng Star Magic artist, “Kasi yung ibang kailangan kong gawin, naka-book na, e.

"Siguro a month ago naka-book na talaga, so I really have to do it.

"So, kailangan talaga ng kaunting consideration lang sa time."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN