Concert producer quashes speculations about Sarah Geronimo breakdown in Las Vegas

IMAGE Instagram @deniseochoa / @dextersaraga

Las Vegas concert producer Dunesa Hesser on Sarah Geronimo's reported breakdown: "Sarah Geronimo FINISHED the show with flying colors and standing ovation pa! Hindi po sya nag walk out, tinapos po nya ang show. Yes, Hindi po nya natapos ang isang song because it brought back memories ang song na kinanta nya."


Nanindigan ang concert producer na si Dunesa Hesser na nanatiling professional si Sarah Geronimo sa kabila ng napabalitang breakdown ng Popstar Royalty sa This 15 Me concert niya sa Las Vegas, Nevada, noong April 29.

Base sa kanyang Facebook profile, si Dunesa ang presidente ng Hesser Entertainment na nag-produce ng This 15 Me concert sa Las Vegas.  

Sa kanyang Facebook post kahapon, May 3, inilarawan ni Dunesa kung paano tinapos ni Sarah ang concert sa kabila ng pagod nito sa magkakasunod na concert tour sa U.S.

“Sarah Geronimo FINISHED the show with flying colors and standing ovation pa!

"Hindi po sya nag walk out, tinapos po nya ang show.

“Yes, Hindi po nya natapos ang isang song because it brought back memories ang song na kinanta nya."

Pinabulaanan din ng concert producer ang mga espekulasyong naglabasan tungkol sa breakdown ni Sarah.

Aniya, “Hindi po sila nag away ni Mateo nor si mommy divine.

"Tao Lang po si Sarah napapagod din, she may be exhausted dahil sa sunod sunod na show but she will NEVER walk out at hindi tapusin ang show.

Kaugnay ito ng viral video kung saan makikitang hirap si Sarah na maabot ang high notes ng “Forever’s Not Enough,” ang original hit song mula sa debut album niyang Popstar: A Dream Come True noong 2003.

Halos maiyak pa siya sa pagnanais na ibigay ang kanyang best performance sa mga manonood.

Umabot sa puntong tumalikod si Sarah at tuluyang umalis ng stage sa gitna ng kanyang production number.

DOWN-TO-EARTH SARAH. Sa pagpapatuloy ng kanyang Facebook post, inihayag ni Dunesa ang paghanga sa pagiging mabait at humble ni Sarah sa kabila ng kasikatan nito bilang artista.

“Napakabait ni Sarah, as in very humble na bata. Huwag naman po ninyong husgahan.

"She is very professional and she just wanted to give 100 percent para mapasaya lahat ang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit pagod sa byahe sya pa rin ang humahawak ng luggage nya. Hindi maarte, very simple Lang na bata. I am so proud of her.

"Let's just support Sarah sa kanyang mga shows dahil 15 years din po sya nagbigay ng entertainment sa atin.

“God bless us all! #Peace#ThisI5MeLasVegas #HesserEntertainment #SarahG #ThisI5MeGlobalTour”

FINALE NUMBER. Ni-repost din ni Dunesa ang huling bahagi ng concert kung saan nag-standing ovation ang mga manonood pagkatapos kumanta ni Sarah ng “Leaving On A Jet Plane” at “I Don’t Wanna Miss A Thing.”

Base sa isa sa mga kumalat na video sa social media, si Dunesa ang isa sa mga taong kasama ni Sarah nang maluha-luha itong nagpasalamat at humingi ng dispensa sa backstage pagkatapos ng concert.

Sabi ni Sarah, "Thank you po. Pasensiya na po. Sorry po..."

Ngunit siniguro ng concert producer kay Sarah na mas pinahanga niya ang mga manonood dahil sa kanyang kabutihang-loob at pagsisikap na maibigay ang kanyang best performance sa show.

 


Stories We Are Tracking

Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN