Angeline Quinto slams alleged Sarah Geronimo fan for threatening her, disrespecting her mother

IMAGE Instagram (@loveangelinequinto)

Angeline Quinto dares an alleged Sarah Geronimo fan that they meet in person after the latter made threats against her and disrespected her mother (right photo).


Hinamon ni Angeline Quinto ang isang fan diumano ni Sarah Geronimo na magkita sila nang harapan matapos siya nitong murahin at idawit pati ang kanyang ina.

May kinalaman ang isyung ito sa akusasyong may video umano sina Angeline at Morisette Amon na pinagtatawanan si Sarah matapos nitong maiyak sa concert niya sa Las Vegas noong nakaraang linggo.

Mayroon din daw isang ABS-CBN staff na nakasaksi na pinagtawanan diumano nina Angeline at Morisette si Sarah.

Pinabulaanan ito ni Angeline.

Hinamon pa niya ang Popsters, tawag sa mga tagahanga ni Sarah, na ilabas ang video at pangalanan ang staff member na nagbibintang sa kanila ni Morisette.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Concert producer quashes speculations about Sarah breakdown
Concert producer quashes speculations about Sarah breakdown

ANGELINE FIGHTS BACK. Sa kanyang Twitter account kahapon, May 3, binuweltahan ni Angeline ang netizen na may handle name na @miko1617 matapos siya nitong murahin, pati na ang kapwa singer na si Morisette.

Idinawit pa ng fan ang kumupkop kay Angeline at itinuturing na ina na si Mama Bob.

In-attach ng Kapamilya singer ang screenshot ng tweets ng fan.

Banta ng basher: “Papatumba ko kayo mga g*go”

“#WagsiSarah g*guhin nyu na mga magulang nyu wag lang sya p*ki nyung panis”

Tugon dito ni Angeline, “WAG NA WAG ANG NANAY KO. WAG NA WAG!”

Hamon pa ni Angeline sa basher: “MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO.

"WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING P*TA ANG MAGULANG KO.

"WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG TYPE NITO PARA SAYO.

"MAGKITA TAYO PAKIUSAP.”

Sa kasalukuyan, hindi na active ang account ng netizen sa Twitter.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Angeline sa ibang Popsters na nagmensahe sa kanya at humingi ng paumanhin sa pamba-bash sa kanya ng ilang Popsters.

Bahagi ng tweet ng Kapamilya singer, “Maraming Salamat sainyo. Sana isipin nalang natin ang pinagdadaanan ni Sarah. Nakikiusap ako sainyo para kay Sarah nalang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN