Jake Zyrus reveals purpose of posting topless beach photo

IMAGE Noel Orsal

"Yun ang purpose ng photo ko, if you can post your photo as a straight person, na topless ka or hubad ka, of course, I can as well. If you talk about equality then, you gotta start treating each other equally," says Jake Zyrus about his topless photo on the beach.


Nais daw ni Jake Zyrus na ma-inspire ang mga katulad niyang transgender kaya siya nag-post ng topless photo sa kanyang Instagram account.

“Yun naman, alam ko naman na everybody talked about it.

“Siyempre, naiintindihan ko naman na...

"Siyempre, LGBT, although karamihan sa atin accepted na, it's still an issue, di ba?

“Sa atin, when somebody opens it up, parang big deal talaga.

“So, naiintindihan ko na kapag na-post ko yun, everybody will talk about it, make fun of it,” sabi ni Jake tungkol sa pagiging viral ng kanyang topless photo na kuha mula sa isang beach sa Cagayan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang pang reporters si Jake matapos ang press conference para sa concert niyang Music and Me, kahapon, May 3.

Dito, sinabi ng singer na gusto niyang mapatunayang bagamat very vocal ang maraming Pilipino sa sinasabing gender equality, marami pa rin ang tila hindi ito tanggap.

Sabi ng 25-year-old singer, “My purpose kaya ko ipinost yun, everybody was talking about equality, e.

“We're just talking about, 'Oh, we're one, we're together.'

“But not really, because if we really...

“Yun ang purpose ng photo ko, if you can post your photo as a straight person, na topless ka or hubad ka, of course, I can as well.”

Diin pa niya, “If you talk about equality then, you gotta start treating each other equally.

“It's the same thing with religion, di ba?

“Everybody, parang nadi-divide lahat, kasi kapag nalaman mo ang paniniwala ng isang tao, hindi na kayo magkaibigan.

“Kapag nalaman mo na salungat siya sa paniniwala mo, nawawala yung respeto, dun na nawawala yung lahat.

“So, noong time na yun, sabi ko, 'I'm gonna post this because this is who I really am.'”

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

MEMORABLE MOMENT. Bukod dito, isang memorable moment din daw iyon para kay Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako sa nakita ko, hindi man kasing perfect ng mga nakikita natin, pero masaya ako, first time ko yun.

“First time ko sa isang beach, first time ko ring lumangoy, kasi takot ako sa beach.

“Pero noong time na yun, talagang sabi ko, I will give it a try, talagang pumunta ako dun.

“It was one of the happiest moments in my life that I had to share.

“Yun yung sinabi ko na masaya ako kaya ise-share ko.”


Stories We Are Tracking

Jake Zyrus goes topless at the beach
Jake Zyrus goes topless at the beach
Jake Zyrus sympathizes with Sarah Geronimo after meltdown
Jake Zyrus sympathizes with Sarah Geronimo after meltdown

Bagamat maraming sumuporta, alam daw ni Jake na marami pa rin ang negatibo ang naging pagtanggap sa kanyang ginawa.

Pero ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.

“Yung negative comments na iniisip kong sasabihin ng mga tao, it didn't matter,” sabi ng trans-man singer.

“Kasi, ang gusto ko lang makita ay yung mga nagsasabing, 'Na-inspire ako sa ginawa mo, kasi takot ako. Ngayon, nagkaroon ako ng lakas ng loob.'

“Yun ang point ko, as long as there are people na magsasabi ng ganun sa akin, I will keep doing it.

“It brings up my confidence as well, kasi alam kong there are people out there na kailangan yun.

“Kasi ako, kailangan ko rin, e. Kailangan ko rin yung confidence na yun.

"Kasi kung wala, wala rin ako.

“So the more na nakikita ko yung nagsasabi sa akin na naa-amaze sila, nai-inspire sila, yun ang nagki-keep going sa akin.”

JUST KEEP GOING. Sa kanyang mga pinagdaanan at mga narinig na pangungutya, lalo na nang mag-out siya bilang isang transgender, natututunan na raw ni Jake na ipagsawalang-bahala ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Aniya, “Not a hundred percent, nandiyan pa rin.

“I know, kapag nakita mo minsan maiinis ka, pero wala kang magawa kasi hindi ka naman talaga nila kilala.

“Pero doon ako always babalik sa, 'Pinasok ko 'to, e. This is your job.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So no matter what, kahit di ka nila kilala, they always have something to say. Wala ka namang magagawa.

“Alangan namag isa-isahin ko sila para sabihing, 'Hindi ako 'to. This is not who I am. Ganito akong klaseng tao.' But you can't.”

Kaya sa halip na magpaapekto, sabi ni Jake, “At the end of the day, kahit ilabas mo kung gaano kalakas na tao o kahit gaano ka kabait na tao, may masasabi at masasabi ang mga tao.

“So you just keep going, just keep going.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN