Janella Salvador, Jameson Blake appeal to ElNella fans to stop bashing

IMAGE Noel Orsal

Umaapela sina Janella Salvador at Jameson Blake sa ElNella fans na huwag gumamit ng masasakit na salita sa kanilang hindi pag-ayon sa tambalan nila sa pelikulang So Connected. 


Sa panahon ngayon, may pagka-possessive ang ilang fans sa kanilang mga iniidolo at sinusuportahang artista at love teams.

Hindi nakalusot dito sina Janella Salvador at Jameson Blake.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkatambal ang dalawa sa upcoming Regal movie na So Connected, ngunit mukhang hindi ito pasok sa panlasa ng maraming ElNella fans.

Ang ElNella ay ang bansag sa tambalan ni Janella at ng rumored real-life boyfriend niyang si Elmo Magalona.

Ayon kay Janella, naiintindhihan niya kung nasaktan man ang ilang fans, pero sana lang daw ay hindi na magpakawala ng masasakit na salita ang mga ito.

“Well, siyempre naman na hindi maiiwasan na they felt bad, they’re hurt, and some of them released some hurtful words.

"But ako naman, naintindihan ko din naman.

“Siyempre they will get hurt… siyempre they’re rooting for two people to be together, and naghiwalay.

"Pero at the same time, I understand them, but sana lang, if they don’t like to support the movie, don’t say some hurtful words na lang, di ba?”

Dagdag pa ng 20-year-old singer-actress, “Meron naman [ako naranasang bashing].

"Ako lang kasi, iwas negativity ako, so I really….

"All I want to say is, sana if you want to support the love team, support niyo the love team you want to support, but you don’t have to say harsh words to others.

“They’re not just for the ElNellas but for the other fans na rin.”

Ayon naman kay Jameson, “Well, actually hindi naman ako masyadong sanay sa mga bashing.

"Pero I've started experiencing it nung ano... dahil sa team-up namin [ni Janella].

“There are some hurtful words din… that’s their opinion, that’s what they think.

"Sana before they say anything, let them watch muna [the movie].

“I understand na kahit iba yung pinair, sana support na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag din ni Jameson, may mga fans naman daw si Janella na nagpapakita ng suporta sa kanilang tambalan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) sina Janella at Jameson sa grand presscon ng pinagbibidahan nilang pelikula, ang So Connected, kagabi, May 4, sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Ipalalabas ang pelikulang ito mula sa Regal Entertainment simula sa May 23.

APPEAL TO BASHERS. Kasunod nito, sinabi ni Janella na nagpaabot na siya ng mensahe sa fans nila ni Elmo.

“I actually already told them what I want them to know na... I understand naman their pain siyempre seeing their two idols na mag-work separately.

“It really is hard for them.

"But yun, sana lang, they will be smart with their words and they don’t try to hurt people intentionally for whatever reason.

“And if you have to fight back, kunyari merong nag-ano sa 'yo, kung gusto nila mag-fight back, think about muna 100 times before you fight back.

"And make sure kung yung sasagutin mo is still not gonna hurt the other person, not meant to hurt, but meant to defend yourself lang.”

Ayon naman kay Jameson, medyo personal na ang banat sa kanya ng ilang fans dahil sinasabihan daw siyang "user."

Pero deadma na lang daw siya rito.

Kuwento nito, “They were saying na user ako, na ginagamit ko lang siya para sumikat ako.

"I don’t know, that is too much. I’m just doing my job.

"If they think it's bad, it's up to them, it’s their opinion.

“Ako kasi, personally, I really don’t care talaga, peaceful ako, deadma lang ako sa mga ganun.”


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN