Jackie Forster on bonding moments with sons Andre and Kobe: "I'm having the best dreams ever."

IMAGE Courtesy: @jackie_forster on Instagram

Isang magandang panaginip ang turing ni Jackie Forster sa pagkakaayos nila ng kanyang mga anak na sina Andre at Kobe Paras. Kaya, kung panaginip man daw ito, ay huwag na siyang gisingin pa. Kagabi, May 3, nanood sina Jackie at Kobe ng concert ni Bruno Mars.


Mukhang naplantsa na nang tuluyan ang gusot sa pagitan ni Jackie Forster sa dalawang anak nitong sina Andre at Kobe Paras.

Sunud-sunod ang date night ng mag-iina. Sinusulit nila marahil ang ilang taon na nawalay sila sa isa't isa.

Kung noong isang gabi ay si Andre ang ka-date ni Jackie sa panonood ng sine, kagabi, May 3, si Kobe naman ang kasama ng dating aktres na nanood ng concert ni Bruno Mars na 24K Magic World Tour sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Sa Instagram post ni Jackie ngayong Biyernes, May 4, ipinahayag niya ang kasiyahang nararamdaman dahil sa sandaling kasama niya ang kanyang anak.

Kalakip nito ang kuha nila ni Kobe sa loob ng MOA Arena.

Caption ni Jackie: “When your prayers are turning into your reality. Another dateNight with another super pogiiii @_kokoparas 

"Nobody 'wake me' please I’m having the best dreams ever. #HabaNgHair Rapunzel si mama #brunomars 
#powerofaprayingwoman."

Sumagot naman si Kobe sa post ng kanyang ina, at inihayag ang pagmamahal niya rito.

Sabi ng basketball player, “We were dancing our asses off lmao I LUV YA MOTHER DEAREST.”


Ikinatuwa ng maraming netizens ang pagiging sweet ni Kobe sa ina.

Samantala, nauna ng naka-date ni Jackie ang kanyang panganay na si Andre noong May 2.

 


Stories We Are Tracking

Jackie Forster posts date night with son Andre Paras
Jackie Forster posts date night with son Andre Paras

Huling linggo nitong Abril ay nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Jackie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan masaya niyang ibinalita ang pagkakaayos nilang mag-ina sa loob ng halos 12 taong tampuhan.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN