Is Marco Gallo courting Juliana Gomez?

Are Marco Gallo and Juliana Gomez getting too close for comfort? One thing is sure, she is special to the former Pinoy Big Brother housemate, "Halata naman."

 


Marami ang nagulat sa larawan ng former Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo, 17, kasama si Juliana Gomez, 17, sa prom night nito.

Naka-post ito sa Instagram account ni Marco at may caption na, “And find the place where every single thing you see tells you to stay.”

And find the place where every single thing you see tells you to stay.

A post shared by Marco Gallo (@marcogalloc) on

Nasa Instagram stories din ni Juliana ang larawan nila ni Marco.

get yourself a prom date as fun as @marcogalloc ????????????????

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana) on

Dahil dito, naging matunog tuloy ang usap-usapang may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Sina Richard Gomez, mayor ng Ormoc, at Lucy Torres, representative ng 4th district, Leyte, ang mga magulang ni Juliana.

Paano humingi ng permiso si Marco sa mga magulang ni Juliana?
    
Sagot ng Fil-Italian actor, “I asked, siyempre kinakabahan, not because he’s Richard Gomez.

“Kinakabahan ako ‘cause he’s still her parent, they are still her dad and mom.

“Siyempre respeto yun sa Filipino culture to still ask if I can go.”

Nanliligaw ba siya sa dalagang anak nina Richard at Lucy?
   
Tugon ni Marco, “Sa ligaw, sasabihin natin na hindi pa.

"Pero halata naman na special friend siya para sa akin.

“Honestly, I never saw our friendship coming, never.

"I never expect people will present me to her, no, never."

Dagdag pa niya, “Wala pa naman, hayaan na natin sa panahon yun.”

MEETING JULIANA. Sa PBB DOTGA special screening na ginanap sa Dolphy Theater kahapon, May 3, masayang nagkuwento si Marco kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Juliana.
 
“We never met before, we just met on the Bench photo shoot saka show, since then we became closer and closer.

The vampire diaries " @benchtm version" ahhahah????

A post shared by Marco Gallo (@marcogalloc) on

“Things fell like domino na sunod-sunod na yung friendship namin, na naging closer kami every time.

“It came just to the point na walang malisya, she looked at me and said, ‘Do you want to go to prom?’

“Sabi ko, ‘Yeah, why not?’ Wala siyang kasama na pupunta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko, ‘Bakit naman hindi, wala namang malisya. Okay, fine, let’s go.’”
 
Muntik na nga raw na hindi sila matuloy.
     
Kuwento ni Marco, “Supposed to be di na ako makakapunta dahil nilagyan ako ng taping sa araw na yun.

“I prayed every night days before, ‘Sana ma-cancel yung taping, sana ma-cancel yung taping.’

“Na-cancel nga at nakapunta ako, siyempre nakakahiya naman sa kanya kung wala siyang kasama.
    
“Hindi niya alam yun, ang alam niya pupunta siya mag-isa, and then the day itself, naghanap ako ng suit.

“'Tapos sinuprise ko siya sa bahay niya, sabi ko, ‘Ano, let’s go.’
 
“Every day. I’m just so happy that I know her now.”
  
KNOWING JULIANA. Ayon kay Marco, sa kabila ng pagiging kilala rin ni Juliana dahil sikat ang kanyang mga magulang ay nananatili pa rin itong pribado.

Pagbabahagi niya, “Siya ang tao na mahiyain, masungit, seryoso sa una.

“Hindi siya expressive, pero once na nakilala mo siya, sobrang mapagmahal siya, walang filter, bigay todo.

“She really counts on trust on people, of course you have to be honest to her.

“Once you break that honesty, it’s a big deal for her.

“You just have to show her who you really are, kung ano ang pagkatao mo, kung ano ka.  

“That’s why I’m so friend with her ‘cause we don’t have filters,” sabi ni Marco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN