Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto

IMAGE Courtesy: @sarahgeronimoshots on Instagram / Screengrab from ABS-CBN News

Si Sarah Geronimo mismo ang nagpaabot ng mensahe kay Angeline Quinto kung saan nag-sorry ito sa pangba-bash ng ilang Popsters sa kasamahan sa ASAP


Humingi ng dispensa si Sarah Geronimo kay Angeline Quinto dahil sa akusasyon ng ilang Popsters, ang tawag sa fans ng Popstar Royalty.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Angeline ngayong Biyernes, May 4, nagpaabot na raw si Sarah ng mensahe sa kanya.

Pahayag ng ASAP singer, “Ayoko na pong sabihin ‘to, pero sobrang lalo na akong humanga kay Sarah.

“Kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya at humihingi po siya ng sorry sa akin.”

Kahapon, May 3, sunud-sunod ang tweets ni Angeline upang almahan ang mga akusasyon laban sa kanya at kay Morissette Amon na mayroon daw silang video kung saan pinagtatawanan nila si Sarah.

Ayon pa sa ibinatong akusasyon sa dalawa, tinawag din daw nilang “pabebe” si Sarah dahil sa pag-iyak nito sa concert niya sa Las Vegas.

Taga-ASAP daw ang nakakuha ng video kaya hinamon ni Angeline ang ilang Popsters na ilabas ang video nila ni Morissette.

Wala raw itong katotohanan dahil sobra niyang iniidolo si Sarah.


Stories We Are Tracking

Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol

Sabi pa ni Angeline, “Maayos kasi kami ni SG, e, wala akong kahit anong… wala akong question sa ugali ni Sarah.

“Simula noong bata pa lang kami, magkakilala na kami. Kaya nasasaktan lang din po ako na nangyari ‘to sa amin.”

Dating magkalaban sa mga singing contest sina Sarah at Angeline.

Tinalo ni Sarah si Angeline sa grand finals ng Star for A Night (2002-2003) sa IBC-13.

Naging grand champion naman si Angeline sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar (2010-2011) sa ABS-CBN.

IDOL SARAH. Hanggang ngayon, idolo pa rin ang turing ni Angeline kay Sarah.

Kaya labis siyang nasasaktan sa mga intrigang ibinabato sa kanila.

Nadamay pa sa isyu ang It’s Showtime host na si Amy Perez, at ang ina ni Angeline.


Stories We Are Tracking

Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Amy Perez reacts to being dragged into Sarah-Angeline issue
Amy Perez reacts to being dragged into Sarah-Angeline issue

Sabi ni Angeline, “Ang daming taong nadadamay.

"Saka, para sa akin, kung ikaw ay isang tao na iniidolo mo ang isang Sarah Geronimo, sana hindi kita nakikitaan ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi ganun si Sarah, napakalayo ng ugali ni Sarah sa mga nakikita ko na ginagawa ng ibang tao na humahanga sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN