John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi; teen denies accusation

IMAGE Instagram

"When you PAP us, We PAP you, too." This is John Lloyd Cruz and Ellen Adarna's way to get back at paparazzi.


Nakaisip ng paraan ang showbiz couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kung ano ang gagawin nila sa mga taong sumusubok kumuha ng paparazzi photos at videos nila.

Sa kanyang Instagram account kahapon, May 4, nag-post si John Lloyd ng isang video kung saan makikita ang isang taong kumukuha ng paparazzi shot sa kanyang direksiyon gamit ang isang tablet.

Sa caption, inilagay ng aktor: “Reciprocity.”

Reciprocity

A post shared by portal,library (@ekomsi) on

Halos ganito rin ang ginawa ni Ellen sa kapwa nila customers, na pinaghinalaan nilang kumukuha ng paparazzi shots nila ni John Lloyd, sa isang kilalang ramen restaurant sa Makati City.

Sa dalawang IG stories ni Ellen, isang picture at isang video, makikita ang isang lalaki at isang babae na magkatabing nakaupo sa halos tapat ng kinauupuan nila ni John Lloyd.

Ang lalaki ay kumakain, habang ang babae naman ay hawak ang cellphone at tila kumukuha ng video sa direksiyon nina Ellen at John Lloyd. 

Sa parehong posts, isinulat ni Ellen: “When you PAP us, We PAP you.”

Nakalagay rin sa picture, “Oo yan ha... you know the feeling... uncomfy noh?”



PAPARAZZI MOVES OR NOT? Samantala, naging usap-usapan naman sa Twitter si Ellen dahil inalmahan ng babaeng nasa kanyang posts ang akusasyon ng sexy star.

Ayon sa Twitter user na si @eleiluh, “So we were casually eating ramen and this happens...We didnt notice her or even knew it was her. I just wanted to story our food”


Kasunod nito ay nag-post ang netizen ng video ng Instagram story niya.

Mapapansin dito na nasa tapat nila si Ellen na kumukuha ng shot sa kanilang direksiyon.

Sa caption, sinabi ng Twitter user, “Sarap pa rin ramen! although it’s just wrong to assume things


Hirit pa niya, “Kami talaga yung na #PAPArazzimoves”

Sa thread na ito, mapapansing karamihan sa nag-reply ay sumasang-ayon sa Twitter user.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi pa ng ilan na nag-assume lamang si Ellen na kinukunan sila ng paparazzi shot.

Sa huli, sagot ni @Eleiluh sa isang nag-comment, “Oh well she could've went to us to talk about that na lang but she had to do that pa.”


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN