Angeline Quinto, Morissette Amon mull filing complaint against bashers

IMAGE Noel Orsal

Nagpa-blotter na sa pulisya si Angeline Quinto kahapon, May 4, laban sa nagbabanta sa buhay ng kanyang ina. Pinag-aaralan na rin ng kampo ni Morissette Amon ang pagsasampa ng reklamo laban sa ilang netizens na nagpapakalat ng malisyosong balita tungkol kay Sarah Geronimo.


Dumulog sa pulisya si Angeline Quinto kahapon, May 4, upang ipa-blotter ang netizen na nagbanta sa buhay ng kanyang ina.


Kasunod ito sa malisyosong pagpapakalat ng ilang netizens at mga fans ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na diumano ay pinagtatawanan nila ni Morisette Amon ang nangyaring breakdown ng singer sa concert nito sa Las Vegas, Nevada.


Stories We Are Tracking

Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Amy Perez reacts to being dragged into Sarah-Angeline issue
Amy Perez reacts to being dragged into Sarah-Angeline issue

Sa ulat ni MJ Felipe na lumabas sa Bandila kagabi, May 4, pati si Morissette ay nagpaplano ring ireklamo ang mga taong may below-the-belt comments.

Kuwento ni Morissette, “Sa ngayon kasi medyo may binanggit na talagang below the belt. Dinadamay na pati yung family namin, yung parents namin na we don’t deserve.”

Lumuluhang kuwento naman ni Angeline, “Kaya kong tanggapin lahat ng masasamang salita na ibabato sa akin, kahit anong salita, kahit pinakamasakit na salita sa buong mundo na ibibigay sa akin, pero huwag na huwag lang sana talaga yung mama ko.

“Lahat ginagawa ko para sa nanay ko, pero yung murahin yung nanay ko nang ganun-ganun lang, yun yung hindi ko mapapalampas.”

Nanindigan rin ang dalawa na hindi nila pinagtatawanan ang kapwa kasamahan sa ASAP, at hindi rin daw nila tinawag itong pabebe.

Sabi pa ni Morissette, “Nagulat po ako na ang daming naniwala sa wala namang supported evidence nung rumor na yun, yung issue na yun.

“It’s sad na people could just believe that fast.”

Sabi naman ng Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline, “Sa lahat po ng mga tao na nagsalita ng masakit sa akin, lahat sila kayang-kaya kong puntahan ng personal para humingi ng pasensiya basta ibigay nila sa akin yung magpapatunay na totoo po yung ginawa at ibinibintang nila sa amin.”

Samantala, humingi na ng paumanhin si Sarah kay Angeline dahil sa isyu.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto
Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN