Matteo Guidicelli denies "rumor" about health condition of girlfriend Sarah Geronimo

IMAGE Courtesy: @mateoguidicelli on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Matteo Guidicelli na may "something" sa health condition ng girlfriend na si Sarah Geronimo.


Mariing itinanggi ni Matteo Guidicelli, 28, na “may something” sa nangyaring breakdown ng girlfriend na si Sarah Geronimo, 29, sa concert nito sa Las Vegas noong April 29 (U.S. time) na siyang ikaapat na leg ng kanyang This I5 Me concert tour.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Matatandaang naging emosyunal si Sarah at paulit-ulit na nag-sorry sa mga fans na nanood ng concert dahil "pagod po ako..."

Isa si Matteo sa unang nagpaabot ng kanyang simpatiya sa nobya. Ang message nito sa Instagram: "Keep walking, I'll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you."

Sa panayam ni Ricky Lo kay Matteo na lumabas sa "Funfare" column nito sa The Philippine Star ngayong araw ng Sabado, May 5, itinanggi ng singer-actor ang mga haka-haka tungkol sa kalagayan ng Popstar Princess.

Hindi man diretsahang tinukoy ng beteranong manunulat sa kanyang kolum, ang haka-haka ng ilan ay nagdadalantao diumano ang VIVA talent.

Maiksing  sagot ni Matteo, “No, of course, not!”

Bukas, May 6, ang huling leg ng This I5 Me U.S. concert tour ni gaganapin sa New York.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN