Sarah Geronimo jokes about previous meltdown: "Nanu-news tayo, e!"

IMAGE Instagram photo of @sarahgeronimoshots

Sarah Geronimo dismisses rumor that she wants to retire from showbiz: "Binigay na nga sa akin 'to, mag-iinarte pa ako? Mawawala din 'to, 'no? So hanggang meron, go lang, di ba? Ipon tayo, ganyan, trenta na. Hindi, kailangan po talaga tuluy-tuloy lang."


Mukhang nakabawi na si Sarah Geronimo sa pagod at puyat na naranasan nito sa nakaraang concert sa Las Vegas, Nevada, noong nakaraang linggo.

Sa kanyang concert sa Chicago nitong May 4, ipinaliwanag ng 29-year-old singer-actress ang sanhi ng pagiging emosyunal niya sa Las Vegas.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Matteo Guidicelli assures girlfriend Sarah Geronimo is fine
Matteo Guidicelli assures girlfriend Sarah Geronimo is fine

Nagkaroon ng segment sa concert kung saan binalikan ni Sarah ang mga pinagdaanan sa showbiz, at nakangiting inilahad sa mga nanood ng kanyang sold-out concert, “Yung last time po naging emotional ako dahil talagang nag-panic po ako.

“Kasi wala po akong tulog, 'tapos parang nawawala yung boses ko. 'Diyos ko po! Lord!' sabi ko.

“Naalala ko lang po, siyempre, yung journey ko, beginnings namin at mga pinagdaanan.

“At saka siyempre, lahat po tayo may battles sa buhay, siguro nagpatung-patong na po.”

Pagkatapos nito ay pabirong humirit si Sarah ng, “Pero wala pong iyakan ngayon. Bawal. Pangit. Nanu-news tayo, e.

“Naba-bash tayo masyado, e. Huwag nang ganun.”

Binanggit din niya ang isa sa negatibong reaksiyon sa kanyang pagiging emosyunal sa huling concert.

Nakangiting sabi ni Sarah, “Akala nila nag-iinarte ako.

“Binigay na nga sa akin 'to, mag-iinarte pa ako?”

Ang kanyang sumunod na pahayag ay tila sagot naman sa mga ispekulasyong gusto na niyang magpahinga sa showbiz.

Sabi ng tinaguriang Popstar Royalty, “Mawawala din 'to, 'no? So hanggang meron, go lang, di ba?

“Ipon tayo, ganyan, trenta na. Ha-ha!

“Hindi, kailangan po talaga tuluy-tuloy lang.”

Sa hiwalay na bahagi ng concert, nagpasalamat ang Kapamilya star at nag-iwan ng maiksing paalala sa fans, na kilala bilang Popsters, "Thank you, thank you very much! Salamat! Kalma lang, kalma lang tayo!" 


Stories We Are Tracking

Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto
Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN