Jaclyn Jose reveals main reason behind daughter Andi Eigenmann's showbiz hiatus

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Jaclyn Jose discloses why daughter Andi took an indefinite leave from her showbiz career: "Nawalan din kasi siya ng enough time to take care of Ellie. Mayroon siyang nagawang soap na five days in a week ang taping, so nawalan siya ng time kay Ellie. Kaya nag-decide siya na mag-lie low nang kaunti."


Marami ang nanghinayang sa naging desisyon ni Andi Eigenmann na pansamantalang iwanan ang showbiz at harapin ang isang normal na buhay.

Sa ngayon nga ay hindi na visible ang aktres sa telebisyon at pelikula, at kasalukuyan itong nakatira sa isang probinsyang malapit sa beach lalo’t surfing ang parehong sports ni Andi at ng kasintahang si Emilio Arambulo.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Jaclyn Jose sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino media launch na ginanap sa Max’s restaurant sa Sct. Tuazon, Quezon City kamakailan, agad naming kinumusta sa betaranang aktres ang anak at kung may balak pa ba itong bumalik sa showbiz.

Panimula niyang pahayag, “Actually, nagawa niya na, di ba?

“She’s always at the beach, yun nga ang pinag-uusapan namin, yung advoacacy niya.

“She wants to be part of helping the ocean since she loves oceans.

“No, she’s willing to work, of course she has to work.

“Everybody has to work.

“Tumanda na tayo hanggang ngayon, nagtatrabaho pa rin tayo.”

Ayon kay Jaclyn, sa ngayon ay wala pang offer na natatanggap si Andi para magbalik-telebisyon o pelikula.

Lahad niya, “Wala pa sa ngayon, pero I hope magkaroon na soon.”

MORE TIME FOR DAUGHTER. Ano nga ba ang dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Andi na mag-leave muna sa showbiz?

Dahil ba ito sa mga intriga at kontrobersiyang pinagdaanan niya?

Pagklaro niya, “Nawalan din kasi siya ng enough time to take care of Ellie.

“Mayroon siyang nagawang soap na five days in a week ang taping, so nawalan siya ng time kay Ellie.

“Kaya nag-decide siya na mag-lie low nang kaunti.”

NO MARRIAGE PLANS YET. Nang tanungin naman namin kung may nabanggit na ba sa kanila sila Andi at Emilio kung may balak nang pakasal ang dalawa, positibo naman ang aktres na alam niyang papunta din dito ang relasyon ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Jaclyn, “Well, di ko naririnig pero you know lahat naman ng nagmamahalan pinag-uusapan ‘yan, e.

“Kungdi man din mauwi [sa kasal], pinag-uusapan ‘yan.

“Boto? Yes, he’s nice to me. Basta mahal ni Andi, mahal ko. Ganun lang ang usapan.”

ALL'S WELL BETWEEN ANDI AND JAKE. Open book sa showbiz na naging masalimout at dumaan sa gulo ang relasyon ni Andi, Ellie at ng ama nitong si Jake Ejercito.

Matatandaang umabot pa nga sa korte ang tungkol sa visitation rights ng huli.

Pero siniguro naman ni Jaclyn na anumang naging problema nila noon ay naayos na ngayon.

Masaya niyang lahad, “Wala na, everything is good for Ellie’s sake.

“Nakikinig din naman ako sa mga nagkokomento sa akin. 'Tumigil ka na.'

“Nababasa ko, sabi ko, 'Okay, promise.'

“I listen, I listen to Andi, to Jake, at times pag may sinasabi ang lawyer nila, lawyer namin, Ate ko, mga tao sa paligid, nakikinig naman ako.

“It’s beyond my control, it’s their lives.

“Totoo naman si Andi, kumbaga third party lang ako.

“Kumbaga sa mag-asawa, kabit lang ako.

“Wala akong karapatan as much as lola ako no,

“Pero iba na ngayon ang millennials, di katulad nung araw na pag Lola ka, ikaw ang nandun, ikaw ang pinapakinggan.

“Nung panahon natin, pag sinabi ni Lola, batas.

“Ngayon hindi, e.

“We’re living in a millennial world na, e. Nakakalimutan ko minsan yun, e.

“Sa kanila na pala itong kasalukuyang mundong ito, di na pala sa atin. Okay naman din sa akin.”

SEXY THROWBACK PIC. Marami sa mga artista ngayon ang di napigilang humanga at mag-comment sa sexy throwback photo ni Jaclyn na kuha noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Isa nga rito ay si Coco Martin.

Dito nabuo !

A post shared by Jane Guck (@jaclynjose) on

Natatawa niyang pag-alaala, “Nilabas ko talaga kasi wala akong magawa nung isang beses, yung Itanong Mo sa Buwan na excerpts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat ako sa reaksyon, ang laki.

“Sabi ko, 'Ay, di nila alam na sexy ako dati.'

“I was once there, sabi ko sa anak kong lalake, 'Wasn’t I a dish?'

THANKFUL FOR LIZA'S SUPPORT. Si Jaclyn ay isa sa mga artistang nagbigay ng suporta sa pangalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Buo ang suportang binigay ni Jaclyn sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) dahil sa nakita niyang magandang layunin at vision ng chairman nitong si Liza Diño na makatulong sa industriya.

“We are giving our full support kay Liza Diño, sa FDCP, sa lahat ng kanyang advocacies.

“Ang laking tulong sa amin ng ginagawa ni Liza, ang daming ginagawa, parang pelikulang Filipino na lang ang kanyang heart and soul, wala na kay Aiza [Seguerra, Liza's partner].

“Ang ganda ng support na binibigay niya sa amin, grabe.

“Mula nang umupo siya day one up to now, ilalaban namin ‘yan pag inalis. Magaling siya, may vision,” pagpuri niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN