Does Janella Salvador consider Elmo Magalona as her soul mate?

IMAGE Rose Garcia

Janella Salvador on finding her soul mate: "Ako, I believe in soul mate. It doesn't necessarily have to be romantic naman. Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko."


Tungkol sa pagkakaroon ng “soul mate” ang kuwento ng bagong pelikula ng Regal Films, ang So Connected na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Jameson Blake.

Kaya naman ang isa sa mga unang itinanong sa lead stars ay kung naniniwala at nakita na nila ang kani-kanilang soul mate.

Ayon kay Janella, “Ako, I believe in soul mate.

“It doesn’t necessarily have to be romantic naman.

“Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko.”

At saka niya sinabing, “Sana siya na… sana.”

Walang binanggit na pangalan si Janella, pero tila iisa lang ang pumasok sa isipan ng press kung sino ang tinutukoy nito.

Ito ay walang iba kundi ang rumored boyfriend niyang si Elmo Magalona.

Pero nag-beg-off na itong sagutin ni Janella nang tanungin namin kung ano ang nakita niyang connection sa sinasabi niyang “sana” yun na nga ang soul mate niya.

“Puwede ba natin siyang pag-usapan dito?” natawang sagot niya na ang tinutukoy ay ang bagong leading man niyang si Jameson Blake.

Paglinaw niya, “I don't think lang na it's the right venue to talk about that.”

Ginanap ang presscon ng So Connected kagabi, May 3, sa Valencia Events Place sa Quezon City.

Sa May 23 na mapapanood ang pelikula sa mga sinehan.

CREATING THE RIGHT CHEMISTRY. Sa pagkakataong ito, mas pinili raw ng director ng pelikula na si Direk Jason Paul Laxamana na sa halip na loveteam ang gawing bida sa So Connected, mas pinili niyang kumuha ng artistang talagang walang koneksiyon o pinanggagalingang team-up ang pinagtambal niya.

Nakita naman daw ang chemistry nina Janella at Jameson kahit hindi sila magka-loveteam talaga.

Hindi rin daw nahirapan si Janella na si Jameson ang bagong leading man.

“Pareho kasi kaming cowboy.

“Hindi siya yung parang mapi-feel mo na unapproachable.

“He’s very friendly at siguro, yun ang naging koneksiyon namin. Hindi siya mahirap kausap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din namin si Janella kung ano ang naging reaksiyon niya noong una niyang malaman na hindi na si Elmo ang magiging kapareha niya sa pelikula.

Pagklaro niya, “Actually, bago pa nila inoffer yung movie, inunahan na nila ko na, 'O, hindi si Elmo ang leading man mo rito ha?'

“Parang sinabi nga sa akin na may movie nga for me na inu-offer ang Regal.

“When I heard the story and nung nabasa ko yung script, nagandahan talaga ko.

“Na-explain naman nila sa akin kung bakit hindi si Elmo, yun ngang sinabi ni Direk na predictable…

“But na-realize ko rin, I mean, no-offense sa mga loveteam, of course.

“Ako, I’ve been in a loveteam, and I personally enjoyed it, and it was really a good experience

“Pero ang sa akin lang, it can also help actors and actresses if you get paired with other people.

“It doesn’t necessarily mean na wala palang relationship with the person na naka-work mo before.

“Kaya nga, this is our job, we’re actors and actresses.

“It doesn’t have to be real in real life talaga for people to feel your emotion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN