Ara Mina admits trying out sex toys "out of curiosity"

IMAGE Noel Orsal

Ara Mina on her experience with sex toys: "Hindi ko lang talaga trip. Sabi ko nga, I tried it, hindi ko siya trip. May effect sa akin na hindi masyadong favorable. Kaya parang hindi siya nag-work out."


Sa usapin kung sino ang mas mapaghanap sa sex, babae o lalaki, ipinagtanggol ni Ara Mina ang kanyang sarili at mga kapwa babae sa paniniwalang mas nakakaramdam ng pangangailangan sa kanilang katawan ang mga gaya niya kaysa sa mga lalaki, lalo’t na't nakaranas na siyang magkaroon ng ilang relasyon at nagkaroon na siya ng anak.

Pahayag ni Ara, “Ang babae kasi, nakakatiis.

“Ang lalaki yata ang hindi. Wala e, kasi pagod na ako.”

Wala ba siyang nararamdamang…?

“Init?” biglang sabat ni Ara bago pa man natapos ang aming tanong.

“Init na nararamdaman?

“Minsan naiisip mo, pero alam mo yun, pag nakahiga ako, nanonood ng Netflix, hindi mo na maiisip.

“'Tapos, mag-i-Instagram ka, kasi minu-monitor ko rin sa Instagram yung Hazelberry and Ara Secrets.

“Doon pa lang minsan, nabibitawan ko na yung cell phone ko sa pagod.”

Ang Hazelberry Café ay ang resto-pastry shop business ni Ara sa Quezon City.

Ang Ara’s Secrets naman ay ang beauty product business niya.

SEX TOYS. Hindi na bago ang paggamit ng iba’t ibang paraphernalia o tinatawag na sex toys para lang maitawid ang nararamdamang init o pangangailangan ng lalaki o ng babae.

May sariling sex toys para sa mga babae at meron ding iba para sa mga lalaki.

Tinanong namin si Ara kung mayroon siyang sex toy.

Humalakhak nang malakas ang aktres, sabay hirit ng, “Wala, I wish, meron!”

Hindi ba niya naisip na magkaroon o mag-try ng ganung sex toys?

Pag-amin niya, “Hindi, kasi na-try ko na siya before, hindi ko feel!

“Hahahaha! Hindi ko feel!”

Paliwanag pa ni Ara, “Kasi nawawala yung ano mo…

“Kasi nawawala yung... ano ba yung word na dapat doon?

“Parang pag na-try mo na at nasa real thing ka na, nahihirapan kang mag-respond.

“Hindi comparison, e...

“Actually, mas gusto ko pa rin yung hug and kiss, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang na-try mo na before… basta, iba ang effect sa akin, huwag na nating i-elaborate.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara matapos ang presscon ng bagong tekeserye ng ABS-CBN, ang Araw Gabi, pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, na ginanap noong April 30.

Isang sensual project ang nasabing serye at isang mahalagang papel ang gagampanan ni Ara.

“OUT OF CURIOSITY.” Biglang nailang si Ara sa usapin tungkol sa sex toys kaya naman nag-alinlangan siya sa mga naging rebelasyon niya at sa mga sagot niya sa tanong.

Ipinaliwanag ng PEP.ph kay Ara na ang usapin tungkol sa sex toy ay hindi na rin bago sa society.

Sa kanyang pag-amin at dahilan kung bakit niya ito minsang sinubukan, posibleng makatulong ito para magkaroon ng realization ang ibang mga babaeng nakaranas na rin ng ganitong paraan ng pagpapaligaya sa sarili.

Matapos makapag-isip, umayon na si Ara sa topic at saka naglinaw sa kanyang pag-amin.

“Hindi, kasi hindi naman na ako virgin at saka may anak na ako.

“At least, to be honest, na-try ko.

“Outside only. No entering the property and it's just making the knock-knock lang. Hahahahaha!” sambit niyang pabiro at pabaklang sagot, saka sinundan ng malakas na halakhak.

“Hayaan mo na silang mag-ano...

“So, ganun, nung na-try ko na at nagkaroon na kayo ng real thing, may boyfriend pa ako noon...

“Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako noon.

“So, nung ginawa ko na yung real thing, I’m having a hard time to, you know…”

Out of curiosity raw ang minsang paglalaro ni Ara.

“Oh, yes, out of curiosity,” sabi pa niya.

Iniregalo lang daw ito sa kanya ng kanyang boyfriend para kapag wala ito, hindi raw niya mami-miss ang kasintahan.

Pero nang minsang subukan ito ni Ara, hindi na raw niya ito inulit muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Hindi ko trip. Yun lang.

“Parang sa movie, nag-try akong mag-yosi, hindi ko rin trip. So, hindi ko siya..."

Ano ang na-realize niya matapos subukang minsan yung sex toy?

“Well, na-realize ko, after nung maging Christian ako.

“Actually, imagining [sex] is a sin already.

“Kaya better huwag ka nang mag-imagine.

“Kasi nagkasala na ako before, hindi naman ako married, 'tapos nagkaanak ako.

“But yung anak ko is a blessing na ibinigay sa akin ng Diyos.

“Yung mga nagawa ko before, lahat naman tayo nagkakamali. So ayun.”

Wala raw gustong patamaan o kondenahin si Ara na ibang mga babaeng gumagamit ng sex toys.

“Hindi ko lang talaga trip.

“Sabi ko nga, I tried it, hindi ko siya trip.

“May effect sa akin na hindi masyadong favorable.

“Kaya parang hindi siya nag-work out.”

NEW TV PROJECT. Samantala, excited na si Ara sa magiging partisipasyon niya sa seryeng Araw Gabi.

Pagbibigay niya ng ilang detalye. “Mabait ang role ko, basta connected ako kay RK Batagsing kay Joshua Colet.

“Grabe ang connection ko sa El Paraiso.

“Manggagaling ako sa Spain but I came from the isla of El Paraiso. Napunta ako ng Spain.”

Pinaghahandaan na raw ni Ara ang pagsabak niya sa mga eksenang kinakailangan niyang mag-bathing suit o two-piece.

“Nagpapayat na nga ako ngayon.

“Nag-i-intermittent fasting na ako.

“Kailangan nila kasi sexy. Pero hindi naman kasi kasing daring at kasing sensual pa nung... kasi hindi pa ako nakakapag-taping, e.

“Si Vina [Morales] nakakaanim na swimsuit na, di ba?”

Sa tingin niya, ano pa ba ang dapat bawasan sa kanyang pangangatawan?

Tumayo siya at itinuro ang ilang parte ng kanyang katawan, “My hips, thighsm 'tapos kailangan pang ma-flatten pa yung tummy.

“Nung nag-open ako ng Hazel Berry, kaka-food tasting ko, e.

“Siyempre, nakakataba rin yung tikim ka nang tikim.”

Ang kapatid niyang si Cristine Reyes ay mas lalo pang pumayat nang magkaanak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naiinggit sa pangangatawan ni Cristine?

Tugon ni Ara, “Hindi. Kasi sanay naman yung tao na voluptuous ako.

“So, baka sabihin na nila addict ako kapag ganun na ako kapayat kay Cristine.

“Kahit nung nagpapa-sexy ako, malaman na talaga ako, e.

“Basta sabi nila kailangan sexy ako, I need to diet pa.

“Last time na work ko with Vina was Anghel Na Walang Langit. Parang support pa lang ako doon.

“Last time din na nakasama ko si Rita Avila was sa Tatlo... Magkasalo.

“First time kong makakasama sina JM and Barbie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN