Arci Muñoz to bashers of her character in Since I Found You: "Pak you all!!!"

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz to netizens criticizing her Since I Found You character Dani: "Mamatay kayo sa inggit!!!" 


Sinagot ni Arci Muñoz ang isang netizen na kinutya ang kanyang karakter sa ABS-CBN primetime series na Since I Found You.

Si Arci ay gumaganap sa karakter ni Daniella "Dani" Cobarrubias, isang college student at intern sa kumpanya ni Piolo Pascual, na ginagampanan ang karakter ni Nathaniel "Nathan" Capistrano.

Nagkalapit ang dalawa. Niligawan ni Nathan si Dani.

At pagkatapos ng ilang episodes, sinagot ni Dani si "Tito Nathan."

Medyo pa-cute at pabebe ang role ni Arci. Kapag may hindi siya nagustuhan sa boyfriend ay nagtatampo agad ito at minsan ay umiiyak pa.

Isang netizen na may handle name sa Twitter na @Awieeehhh ang nagkomento ng, “Like really, ang babaw ng problema ng character ni @monaarcimunoz sa show nila. Stop it already!”



Kaagad naman itong sinagot ni Arci, “Eh anong gusto mo? Iyakan, patayan? Ganun?

"Hayaan mo nga si dani, nagpapacute sya sa boypren niya eh!

"May mga taong mababaw lang ang kaligayahan na napapasaya ng simpleng plot lang.

"Sabi nga ng profile mo mamatay din naman tayong lahat kaya walang basagan ng trip!!! Bye!”

At sa iba pang bashers, may mensaheng ipinaabot si Arci sa kanila.

Saad niya, “Sa mga taong nagsasabing O.A si dani mamatay kayo sa inggit!!! Palibasa wala kayong tito nathan!! Pak you all!!”

Dagdag pa niya, “May mga 'sosyal' daw kasing nagsasabing O.A si dani!!! Ok... kayo kaya may boyprend na piolo pascual?! Tingnan ko lang kung di kayo maging pabebe!!! #gigilnyokoeh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN