Ikinatuwa ng maraming netizens ang selfie ng partner ni James Yap na si Michela Cazzola kay President Rodrigo Duterte.
Kuha ang larawan nina Michela at President Duterte noong Sabado, May 5, sa EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City, sa ginanap na closing dinner ng 51st Asian Development Bank (ADB) Annual Meeting.
Tanging caption ni Michela sa kanyang post, "Work hard."
Si Michela ay nagtatrabaho bilang secretariat specialist sa ADB.
Sa isa pang post ni Michela, tinawag pa niyang “boss” ang pangulo.
Ayon sa mga nagkomento sa post ni Michela, mukhang sobrang nagandahan daw si Duterte sa partner ng basketbolista.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:







Ang partner ni Michela na si James ay ex-husband ni Kris Aquino na ang kapatid at ina ay naging president ng bansa—ang namayapang si Cory Aquino (1986-1992) at Noynoy Aquino (2010-2016).
