Jessy Mendiola awaits proposal of Luis Manzano: "Naghahanap lang siya ng tamang oras."

IMAGE Instagram

Jessy Mendiola is not anticipating an engagement proposal or a wedding soon. One thing she is sure of, Luis Manzano is the man for her and she feels secure. "He's very sure about it, yung assurance na ibinibigay niya sa akin, that's enough for me," Jessy says.


Madalas matanong si Jessy Mendiola tungkol sa hinihintay ng marami na proposal sa kanya ng nobyong si Luis Manzano.

Madalas din itong itanong kay Luis.

Pero ang sabi nga ng 37-year-old TV host, bata pa si Jessy sa edad na 25 at marami pa itong gustong gawin lalo na sa kanyang career.  

Umugong na naman ang espekulasyon tungkol sa engagement ng dalawa matapos ang surprise birthday party para kay Luis noong April 21, kung saan napagsama-sama ni Jessy ang kani-kanilang pamilya sa iisang okasyon.

Present dito si Lipa Representative Vilma Santos, ang asawa nitong si Senator Ralph Recto, at ang anak nila na si Ryan—mother, stepfather, at half-brother ni Luis.

Naroon din ang ama ni Luis na si Edu Manzano at ang ina ni Jessy na si Didith Gardiva.


Stories We Are Tracking

Luis thanks Jessy for inviting his family to his b-day party
Luis thanks Jessy for inviting his family to his b-day party

Ngunit paglilinaw ng Kapamilya actress, wala pang proposal na naganap.
   
Ayon kay Jessy, “Hindi, hindi pa, pero ngayon lang, we’re waiting for the perfect timing.

“Saka depende lang naman sa kanya yun, e, ako naghihintay lang ako."

Pero anumang oras daw na mag-propose sa kanya ang boyfriend ay handa na siya para rito.
   
“Ready? I feel that I am naman when that time comes.

"Pero right now, hangga’t wala pa, e, push, push muna for myself.

“Alam niya yun, naghahanap lang siya ng tamang oras.

“In fairness naman to him, he’s very sure about it.

"Yung assurance na ibinibigay niya sa akin, that’s enough for me.

“Just have to wait for the right time…

"Isa nga 'yan sa insecurities ko, ready na siya; ako, okey sige, wait lang."

Kung tila handa na si Luis na i-level up ang relasyon nila, handa na rin kaya si Jessy mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon?

Tugon niya, “Siyempre may mga preparations ‘yan, e.

"Siguro kung engagement, year after yung wedding. Parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kahit hindi man ngayon, bukas, or anytime soon, one thing is for sure—I’m sure na siya na.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment News) at Cinema News si Jessy nitong Linggo, May 6, sa ASAP.

BONDING PARTY. Ikinuwento ni Jessy na isang linggo lang ang prepasyon niya para sa kaarawan ng boyfriend.
   
“Alam mo ba, sobrang stressed na stressed ako nun, kasi taping ako nun ’tapos nagsu-shoot pa ako ng dalawang movies ngayon.

“Wala akong time para mag-asikaso.

"But siyempre, I want to prepare something for Lu naman, hindi yung totally wala.

“Ang usapan namin, baka mag-dinner na lang kami, kasi ganun yun, e, pag busy siya, hindi na niya naiisip na i-celebrate ang birthday niya.

“One week ko lang yun na prinepare, e, naisip ko lang na gusto ko siyang i-surprise.

“Medyo matagl-tagal na siyang di nagse-celebrate ng birthday niya.

“So, yun, minessage ko sila Momskie [Vilma], Daddy Yo [Edu], yung brother niya, 'tapos tinext ko din ang friends niya.

“Gumawa ako ng group na wala siya para ma-message ko ang lahat, ‘Guys, dapat 7 PM nandun na kayo, manggagaling kami sa work.’

“Yun, smooth naman.”

Tuwang-tuwa rin ang aktres sa pagsasama ng pamilya ni Luis sa isang larawan kasama sila.

Pinost ito pareho nina Luis at Jessy sa kani-kanilang Instagram accounts.

I’m happy when you’re happy my love. ♥?

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Ayon kay Jessy, “Ang ganda nilang tingnan, sobrang ganda nilang tingnan.

"My mom is there, my tita... sobrang intimate, family, friends.

“Masaya siya, nakakatuwa, kasi first time ko ring makita na silang lahat magkakasama, so ang gandang tingnan.

“Puro lang sila tawanan, puro lang sila kuwentuhan.”   
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN