Mom of teen netizen claims her daughter does not know who Ellen Adarna is

IMAGE Courtesy: John Lloyd Cruz on Facebook

Hindi pa muling nagpaparamdam si Ellen Adarna sa kanyang Instagram matapos itong mag-rant laban sa isang teen netizen na nakasabay nila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz na kumain sa isang ramen restaurant. Dinipensahan naman ng kanyang ina ang teen netizen at sinabi nitong walang maling ginawa ang kanyang anak. 


Patuloy pa ring pinag-uusapan sa social media ang palitan ng akusasyon ni Ellen Adarna at ng teen netizen na nakasabay ng aktres at live-in partner nitong si John Lloyd Cruz sa isang ramen restaurant sa Makati City noong Biyernes, May 4.

May mga nagsasabing mali si Ellen sa kanyang pagra-rant laban sa teen netizen—na nakilalang si Eleila Santos—dahil wala naman daw itong ginawang labag sa kanyang karapatang pantao.

Isa rin daw celebrity si Ellen kaya normal lamang na kuhanan siya ng litrato o video ng mga ordinaryong tao sa mga pampublikong lugar.

Ngunit naninindigan si Eleila na hindi niya umano kilala si Ellen.

Hindi rin daw niya alam na nasa loob din ng ramen restaurant sina Ellen at John Lloyd nang kuhanan niya ng video ang kanilang pagkain at ang lugar para sa kanyang Instagram Story. 


Stories We Are Tracking

Ellen makes
Ellen makes "patol" to netizen for secretly taking videos
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi

“GOT NO RESPONSE.” Sa artikulo ng SmartParenting.com.ph ngayong Lunes, May 7, lumalabas na walang alam si Eleila na nagalit pala si Ellen nang napansin nitong kumukuha siya ng video sa loob ng ramen restaurant.

Nalaman na lamang daw niya ito ilang oras ang lumipas matapos silang kumain dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa isang kaibigan, kung saan sinabihan siyang naka-post ang larawan nila sa IG Stories ng sexy star.

Kaagad daw kinontak ni Eleila si Ellen sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, ngunit hindi raw ito sumagot.

Pahayag ng 17-year-old na si Eleila, “I took a chance to message her on Instagram about it. I also sent the video of what I took but got no response from her." 

Ayaw raw sana niyang patulan ang mga patutsada ni Ellen, ngunit parang nalabang daw ng aktres ang kanilang privacy.

“But then we decided to post since what Ellen did was very personal and invasive of our privacy."

Dinepensahan din si Eleila ng kanyang inang si Myra Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang nakikitang mali sa ginawa ng kanyang anak. 

Pahayag ni Myra, “If you had any problem with my daughter, you should have told her directly or at least got my number and called me.

"I would take the responsibility since she is still [a] minor.

"I would not have tolerated what she did if it was wrong. But, on this issue, wala ako makitang mali sa ginawa ng anak ko.

"Her response showed that my daughter is innocent and sincere." 

Dagdag pa ng ina ni Eleila, “I heard from the comments that you are pregnant or have already given birth.

"Someday you will realize how I feel as a mother. You hurt me more than you hurt my daughter."

Pinanindigan din ni Myra na hindi nila kilala si Ellen.

Saad niya, "I know my daughter will never do what you are accusing her of doing.

"Kung hindi kita kilala, mas lalong hindi ka kilala ng anak ko, and I can't see any reason for her to take a video and photos of you.

"I didn’t bring her to one of the most reputable schools in the Philippines to be a liar.

"Those are not the values we taught our daughter."

Pabor naman ang maraming netizens sa mag-ina, base na rin sa mga komento sa Facebook:

Wala pang bagong pahayag si Ellen at John Lloyd tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN