Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna; mulls legal action

IMAGE Noel Orsal

Mother of 17-year-old netizen says Ellen Adarna's (in photo) paparazza accusation against her daughter has caused "unneeded stress and unwanted attention" to their family.


Public apology ang hinihingi ng pamilya ng 17-year-old netizen sa sexy star na si Ellen Adarna.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ni Ellen na patago siyang kinuhanan at ang live-in partner niyang si John Lloyd Cruz ng paparazzi shots ng teenager habang kumakain sila sa isang ramen restaurant sa Makati City noong May 4, Biyernes.

Sa pamamagitan ng isang open letter para kay Ellen, na nai-post sa Facebook, ipinaalam ni Myra Santos, ina ng 17-year-old na si Eleila Santos, na kumonsulta na sila sa kanilang abugado tungkol sa akusasyon ng sexy star laban sa kanyang anak.

Mensahe ni Myra kay Ellen ngayong Lunes ng gabi, May 7, "We are reaching out to you to let you know how deeply hurt we are by the unneeded stress and unwanted attention you caused after you uploaded a photo and video of her on Instagram, without any consent from us."

Kaugnay nito, sabi ng ina ni Eleila, "My family and I have begun seeking legal assistance.

"As advised by our lawyer, we are now writing this letter.

"As her family, we ask you to publicly apologise to Eleila.

"We prefer not to take this further, but as our only daughter, we are ready to take this wherever needed to protect her integrity.

"As much as no one has the right to breach your privacy, you have no right to ruin my daughter’s reputation."

Limang araw ang ibinigay ng palugit ng pamilya Santos para magbigay ng public apology si Ellen.

Pahayag ni Myra, "My lawyer indicates that you will have five days to reply to this letter.

"Should you fail or refuse to do so, we will not hesitate to take the appropriate legal actions necessary."

BACKGROUND STORY. Nagsimula ang isyu nang mag-post si Ellen ng ilang IG stories noong Sabado ng gabi, May 5, tungkol sa pagkuha umano ng stolen shots ng kapwa nila customer—na kinilala kalaunan na si Eleila Santos—sa isang ramen restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Ellen sa kanyang post, "When you PAP us, we PAP you, too."

Ngunit sa pamamagitan ng Twitter, agad na nilinaw ni Eleila na hindi niya intensiyong kumuha ng stolen shot nina Ellen at John Lloyd.

Sa halip, aniya, nais lamang niyang mag-post ng IG story.

Inilabas din niya sa Twitter ang kuhang pinaghihinalaan ni Ellen.

Ngunit hindi ito tinanggap ng sexy star.

Sa pamamagitan ng ilang videos sa IG Story, nandigan si Ellen na kumukuha ng paparazzi shots ang teenager.

Nanindigan din ang teenager na hindi ito ang intensiyon niya nang kumuha siya ng video sa loob ng ramen restaurant.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
Ellen makes
Ellen makes "patol" to netizen for secretly taking videos
Mom of teen netizen claims her daughter does not know Ellen
Mom of teen netizen claims her daughter does not know Ellen


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN